Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, excited sa pagiging bulag sa The Gift

ISANG panibagong challenging role ang gagampanan ni Alden Richards sa kanyang upcoming GMA series na The Gift.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, hindi ipinanganak na bulag pero bulag ang karakter ni Alden sa primetime soap. At sa kabila ng kapansanan, maghahatid siya ng inspirasyon at positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter, sumabak si Alden sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga visually impaired.

“Mas lalo akong na-excite gawin ‘yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging bulag,” saad ni Alden.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Sana itong ‘The Gift’ will give them inspiration na kahit na bulag, kahit na walang paningin, puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao.”

Makakasama rin ni Alden sa serye sina Jean Garcia, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Rochelle Pangilinan, Jo Berry, Martin del Rosario, Divine Tetay, at Elizabeth Oropesa.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …