Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, aminadong dahil sa love nagiging ‘tanga’

THANKFUL ang premyadong aktres na si Aiko Melendez sa ibinigay na chance ng GMA-7 na mu­ling maka­pag­trabaho rito. Isa si Aiko sa tam­pok sa TV series na Prima Donnas na pinag­bibidahan din nina Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa. Mula sa pamamahala ni Direk Gina Alajar, mapapanood na ito sa Monday, August 19, 3:25 pm.

Wika ng aktres, “Thankful ako sa importance na ibinibigay ng GMA sa akin. Alaga ako ng EP namin na si Ms. Ysai at Ms. Redgyn, sobra akong blessed sa project na ito. Parang bumalik din lang ako sa GMA kasi this is where I started in Bubble Gang. My last soap here was Basahang Ginto ten years ago.”

Paano niya ide-describe ang role sa Prima Donnas, maldita ba siya? ”Maldita pero nakaaawa, kasi nagmamahal lang si Kendra kay Jaime (Wendell). Obsession na actually, kaya ‘di niya naiisip kung sino ang nasasagasaan. Pero nakaaawa siya, apart siya kay Emilia (papel niya sa Wildflower) na evil po,” saad ni Aiko.

Pahabol ng aktres, “Maaawa sila at mamahalin nila si Kendra, iyon lang ang masasabi ko… at maiinis din sila, dahil sa pag-ibig ay nagiging tanga siya, e. Plus, ibang Kendra ang makikita nila, medyo sexy, hahaha! Kaya ako nagpapayat nang sobra, para sa role kong Kendra. Si Emilia mataba noon, hahaha! Si Kendra, pa-sexy, lol! Kasi, paano ko mapaiibig si Wendell kung mataba si Kendra, hahaha! Obsessed ako sa kanya rito and I’d do everything to get him, kahit patayin ko ang wife niya.”

Close si Ms. Aiko kina Beauty Gonzales at Dimples Romana ng Kadenang Ginto na makakatapat ng Prima Donnas, pero walang kaso ito sa aktres. “Oh definitely, it’s just work for all of us. Siyempre the comparison will always be there kung sinong better, pero for me work lang talaga. We are here to also show our viewers a different taste of drama, hindi ba?

“Si Beauty textmate ko iyan, kasi bait na bait ako kay Beauty and napaka-simple, kaya love ko iyan. Si Dim­ples naman, kasi parang kapatid ko na siya, ang dami ko nang work na nakasama siya… and magaling sila pareho,” aniya.

Esplika pa ni Ms. Aiko, “Mahirap maging katapat ang higante, ‘di ba? Lalo na at ang Kadena is made already, samantala kami’y starting pa lang. Pero one thing is for sure, hindi kami mapapahiya sa show namin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …