Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mara Aragon, excited na sa paglabas ng EP album na Tanging Hiling

EXCITED na ang mahusay na young singer na si Mara Aragon sa launching ng kanyang EP (Extended Play) album titled Tanging Hiling.

“Sobrang excited na po ako sa launching ng album ko at sana ay abangan nila ito. Sa Sept. 27 po ang launching nito sa Woorijib Home of Korean Buffet sa Tomas Morato. Nagpa­pasalamat din po ako sa manager kong si Edwin Rosas Visda,” ani Mara.

Ang naturang album ay may anim na cuts, kabilang ang Tanging Hiling (composed by Mara Aragon, arranged by LJ Music Lab) Pinapa­ngarap, Ama’t Ina, Dream Come TrueHuwag Kang Magkape, at Palimos Po Ng Pag­mamahal (composed by Mara, arranged by LJ Music Lab. Ito ay produced ng MMA Talent Promotion Services.

Paano siya nag-start maging singer? “Nag-start po ako noong kinanta ko ‘yung – not actually kinanta, pero nag-hum po ako ng Hawak Kamay po noong nanalo si Yeng Constantino sa reality show po sa ABS CBN po. Pati po ‘yung theme song po ng PBB. Parang doon po nalaman ng mom ko na may something po… bale five years old po ako that time,” esplika ni Mara na idinagdag pang mula noon ay sumasali na siya sa iba’t ibang singing contest.

Ngayon 17 na siya, sobra ang kagalakan ni Mara dahil unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang dream niyang maging singer at recording artist.

Sino ba ang kanyang favorite singers? “AKo po sa local ay si si Ms. Lea Salonga po, tapos sa international naman po ay si Ms. Lady Gaga po,” pahayag pa ni Mara.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …