AMINADO si Bayani Agbayani na marami ang kumukuha sa kanyang komedyante para maging sidekick sa isang pelikula. Subalit lahat iyon ay tinanggihan niya. Ang rason, kay Vhong Navarro lamang siya magsa-sidekick.
Ikalawang beses nang magsasama nina Bayani at Vhong. Ang una ay sa Woke Up Like This noong 2017 at ngayong taon ay mauulit sa Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na ididirehe ni Topel Lee mula sa Cineko Productions. I
“Masarap na makasama sa pelikulang ito kasama pa si Vhong. Modesty aside, marami nang tumatawag sa akin, marami na akong natanggihan na maging sidekick ng isang comedianat ang lagi kong sinasabi sa kanila, ‘sorry po kay Vhong Navarro lang ako lalabas as sidekick. Kasi ‘yun ang pinag-usapan namin ni Vhong.
“Unang-una sabay kami nag-umpisa na wala kaming sasakyan dito sa ABS-CBN. Sabay kami nagta-taxi, kahit umulan, bumagyo, uminit, kaming dalawa ‘yung nasa… alam mo ba rati bawal pumasok sa lobby ng ABS ang mga taxi eh noon wala pa namang Uber o Grab so, pagkatapos ng taping namin kailangan lumabas kami ng gate ng ABS.
“Eh paano kapag umuulan tapos wala pa kaming tulog. Ang gag show before nag-uumpisa ng 8:00 a.m. natatapos ng 10:00 a.m. kinabukasan. Wala kang tulog tapos ‘pag nabasa ka, ang ginagawa namin payong, eh hindi naman kami puwedeng magpayong damit namin. Kasi ‘pag gag show marami kaming damit. Tapos si Vhong kapg pumara ibaba n’ya ‘yung gamit n’ya ako naman ‘yung sasakay sa taxi.
“Naalala namin sina Diether Ocampo, Wowie de Guzman, kuya Redford White, lahat sila may mga auto na. Noog araw sa ABS may pangalan ng artista ‘yung parking eh, kami walang pangalan ha ha ha,” pagbabahagi ni Bayani nang makausap namin sa story conference ng Mang Kepwengnoong Martes ng gabi sa Cornerstone studio.
Kaya naman thankful siya na hanggang ngayon ay artista pa rin siya at marami pang projects na ginagawa. Bago ang Mang Kepweng, tatlong pelikula na ang ginawa niya tulad ng Pansamantagal with Gellie de Belen, Feelennial with Ai Ai delas Alas. Gagawin din niya ang Aswang Ang Nanay Ko. Kasama pa rin siya sa I Can See Your Voice sa ABS-CBN.
“Walang tigil ang blessings,” anang komedyante na ipinagpapasalamat niya dahil may mha bagong dumating na komedyante at may mga nawala na.”’Yun nga ang sinasabi ko, salamat sa bonus na ibinibigay ng Diyos. Hindi na ako nag-iisip ng mangyayari sa bukas. Ang buhay kasi, no one knows the future, the present enjoy it, past, forget it. Ang present think of it and enjoy.”
Samantala, natatawang sinabi ni Bayani na very challenging ang role niya sa Mang Kepweng, “Magsasalita lang ako sa pamamagitan ng luha, tilamsik ng laway.
“Eh napakadaldal ko eh ewan ko ba rito kay direk (Erik Matti). At least hindi ako madaldal pero kailangan akong magpatawa.”
First time magagampanan ni Bayani ang ganitong klaseng role. “Lahat ng role isa lang ‘yung salita ko pero ginagawa kong isang milyon. Siguro kaya nga nila ako ginawa ng ganito rito eh para maiba naman ha ha ha.”
HOLLYWOOD MOVIE
KASAMA
SI ADAM SANDLER
TANGGAP ng isang Bayani Agbayani na maraming dumarating na komedyante at nananatili siya sa industriyang ito dahil sa isang sikreto—Acceptance.
“Lahat ng nangyayari sa buhay ko, maging maganda o pangit dapat mong tanggapin. Kahit pangit pa ‘yan kasi hindi naman lahat talagang maganda mangyayari sa buhay mo. Kailangan tanggapin mo,” giit ng magaling na komedyante.
Sinabi pa ni Bayani na ang naging pnuntunan niya sa buhay ay hindi na siya nagpaplano.
“Ibinibigay ko na lahat sa Diyos. Hindi ko naman hiningi na maging artista pa ako hanggang ngayon, 50 yrs old na ako ang tagal ko na sa industriya, sa awa ng Diyos binibigyan p rin niya ako ng blessings.”
At ang dream role ng isang Bayani, “gusto kong makagawa ng, ito suntok sa buwan, pero malay natin ‘di ba, Hollywood movie, na kasama ang isang Adam Sandler.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio