Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, pinagbabakasyon muna sa social media si Julia

PINAYUHAN pala ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto na magpahinga muna sa social media. Ito ang naibahagi ng aktor nang matanong ito ukol sa kanyang anak sa media conference ng bagog handog na pelikula ng Viva Films, ang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo na pinagbibidahan nilang tatlo nina Andrew E., at Janno Gibbs.

Sabi ko magpahinga muna siya sa social media. Mas maganda kung magbakasyon muna. Kung wala naman pa siyang shooting o hindi pa busy, lumayo muna siya sa social media kasi hintayin na lang niyang mag-die down kung anuman ang issue,” paliwanag pa ni Dennis.

Natanong din si Dennis ukol kay Gerald Anderson. Kuwento ng aktor, “nag-text muna ako kay Gerald. Kasi noong lumabas ‘yung issue nga tungkol sa kanila ng anak ko. Tapos tumawag siya at nagka-usap kami. Ini-remind ko lang siya na, ‘pare, anak ko ‘yan.’ So, alam na niya ‘yun.”

Samantala, nagpapasalamat silang tatlo na muli silang pinagsama ng Viva para gumawa ng pelikula. Matatandaang dekada ‘90 nang sumikat at nagtagumpay sina Andrew E, Janno, at Dennis sa larangan ng komedya. Napatunayan ang kanilang chemistry sa ‘97 film na Si Mokong, si Astig, at si Gamol. Makalipas ang dalawang dekada, magandang mapanood muli ang kanilang brand of comedy na pumatok sa kanilang mga Gen X fans at gagamitin para aliwin ang mga millennial viewer sa kasalukuyan.

Sa Setyembre 4 na mapapanood ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo kasama ang kanilang mga love interest na sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, at Vanessa Wright. Narito rin sina Julian Trono, Vitto Marquez, at Andrew Muhlach. 

May special participation din si Eddie Garcia na sinasabing pinakahuling pelikulang nagawa ng aktor bago maaksidente.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …