Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, ambassador ng Singaporean foundation

ANG bongga naman ni Ria Atayde. Mismong ang mga Singaporean pala mula Corazon Foundation and Willing Hearts ang pumili sa kanya para maging ambassador ng foundation nila.

Paano kasi nakita nila ang dalaga na mahilig tumulong. Wala tayong kaalam-alam na tuwing birthday o Christmas may mga pinakakaing mga bata si Ria, ito ay ayon na rin sa kuwento ng taong kasama sa foundation.

Aniya pa, nag-research ang Singaporeans at nakitang may mga litrato ang dalaga na nagpupunta sa mga child institution.

Launching ‘yun, noong nandoon si Ria, August 9. Nagtayo ng kusina para lang sa project na ‘yan. The plan is to feed at least 20,000 students all over manila and also do medical assistance to sick children.”

Patunay ang mga litrato ni Ria na naghahain ng pagkain para sa mga bata na ipinadala rin kasama ang mensaheng, “si Ria Atayde may feeding program sa school ng Justice Cecilia Munoz Palma High School. Ang galing!.” Ang eskuwelahang tinutukoy ay matatagpuan sa Molave Street, Payatas B Quezon City.

Ayaw ipaalam ni Ria ang pagkakawanggawa, dahil aniya, “Don’t really want to make that a public thing.” Pero may mga netizen ang nakakakita ng pagtulong na ginagawa niya.

Samantala, kuwento ng netizen na nagpadala ng mga litrato, “Ang daming natuwa kasi ang dami nilang napakaing bata,” anito.

Napag-alaman naming ang Corazon Foundation and Willing Hearts ay in-partnership sa Singaporean Foundation na tinawang na Willing Hearts.

At kaya Corazon dahil ang ibig sabihin nito ay heart sa Spanish. Sinasabi pang araw-araw itong program na ito na may l 300-1000 students ang pinakakain.

Sa buong Metro Manila ang proyektong ito at humingi sila ng permiso sa local government unit.

Yes in cooperation ito ng LGU’s para alam nila at may permit. Next naman sa Quiapo in cooperation din ng Muslim community called Korban.

Na-inspire sila kay Mayor Isko Moreno during his campaign na pakakainin niya ang mga public school students,” kuwento pa.

Sa mga picture na ipinadala napansin naming naroon si dating Quezon City mayor Jun Simon katabi ni Ria na naghahanda ng pagkain.

Yes, si mayor Jun, kasama siya sa Corazon foundation. Ramon Magsaysay awardee ‘yung head ng Willing Hearts Foundation of Singapore,” kuwento pa.

Nabanggit din na kung may gustong magbigay ng tulong sa Corazon Foundation ay welcome dahil ito rin naman ang purpose nila na mabalita para aware ang lahat tungkol sa project na ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …