Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Markus, aminadong mahalaga sa kanya si Janella: What you see is what you get

HINDI madalas  mapanood si Markus Paterson, pero mainit na mainit siya ngayon. Ito’y dahil sa pagkakaugnay niya kay Janella Salvador.

“We’re good, we’re good,” sagot niya nang kumustahin ang aktor sa launching ng Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi ng Cignal Entertainment na mapapanood na sa Netflix simula ngayong Agosto 21. “What you see is what you get,” sagot niya nang matanong kung nagde-date sila.

Ani Markus, iba ang personal life sa career at ayaw niyang paghaluin. ”Gusto kong i-protect what we had,” anito at iginiit na mas gustong maging pribado ukol sa lovelife dahil, “obviously with my experience and with her experience parang nag-agree kami na it’s better na sa aming dalawa lang. Whatever we had, it’s just for us. Kasi ang dami ring makikialam. It’s harder when there’s  many people involve in whatever we had.”

Hindi naman direktang inamin ni Markus na magkasama sila ni Janella sa Japan. Aniya,  ”I went to Japan for my birthday. “

At kung kasama si Janella, ito ang sagot niya, “I have no Idea, did you consider it?,” na napansin ang pagpapawis ng aktor habang  sumasagot.

Ayaw mang amining magkasama sila ni Janella, hindi pa rin siya tinantanan ng mga kasamahang manunulat at tinanong kung ano ang espesyal sa pagsunod sa kanya roon ni Janella sa Japan? “I have a good birthday trip,” sagot ng binata. With her (Janella) susog na tanong. “I don’t know.”

Ano nga ba ang espesyal kay Janella? “I wish it meant a lot. Kahit sino naman dyan they love to spent time with the people they cared about.”

Nang matanong ang batang aktor kung exclusively dating sila ni Janella, “what you see it what you get. A label or not label, I don’t think it really matters.”

Ipinilit pa ng aktor na, “whatever we have is ours, kahit showbiz kami o hindi. It’s better for a relationship regardless of what relationship it is to stay in between those two people.”

Iginiit pa ni Markus na handa siyang proteksiyonan ang babaeng mahalaga sa kanya. “ A lot. I will do anything to protect anyone around me to keep her safe and all that.”

Sinabi pa ni Markus na mahalaga sila sa isa’t isa at wala pa silang relasyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …