Saturday , November 23 2024

Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi nasa Netflix na; Cignal, pang-international na

 “GOING international, definitely.” Ito ang inaasahan ng Cignal Entertainment sa pagpapalabas ng una nilang venture, Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi na pinagbibidahan nina Sue RamirezJameson Blake, at Markus Paterson magsisimulang mag-stream ngayong Agosto 21.

I think ito na ang start. And we’re very happy and platform talaga itong Netflix para ma-introduce ang mga pelikula natin internationally,” sambit pa ng Cignal.

Totoo naman ang tinurang ito ng Cignal dahil ang Netflix, ay kilala sa matagumpay na pagpapalabas ng Stranger Things, Black Mirror, House of Cards, at The Crown. At makakasama na rito ang Ang Babaeng Allergic Sa Wi Fi, isang sweet, romantic comedy na ipinrodyus nga ng Cignal Entertainment, kasama ang October Train Films at The IdeaFirst Company.

Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay mapapanood ay available globally maliban sa China, Taiwan, Japan, at India.

“I am excited that our film will reach the diverse audience of Netflix,” sambit naman ng direktor ng Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi na si Jun Robles Lana. ”The younger viewers will see themselves in the characters and perhaps wonder what it’s like to be suddenly disconnected from the digital world.

Older viewers, meanwhile, will see the nostalgia and see how life, and love, survived without technology.”

Ayon naman kay Jane Jimenez Basas, President & CEO of Cignal TV Inc., “The opportunity to tell relevant and heartwarming stories is an art. We chose to co-produce ‘Ang Babaeng Allergic Sa Wi Fi with October Train Films and The IdeaFirst Company because of the popularity of using gadgets and being on social media amongst teenagers, around which the plot of the story revolves.

The film speaks to young people as well as the young at heart. We at CIGNAL are very proud that our quaint and beautiful film will finally be shown to a much wider audience by Netflix. Indeed, the film’s acquisition provides an opportunity for CIGNAL Entertainment to share our creative vision to the rest of the world.”

Unang napanood ang Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi noong 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino, a film festival na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *