Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, pinatunayang sila pa rin ni Nadine; Sinuportahan sa premiere night ng Indak

PINATUNAYAN nina Nadine Lustre at James Red na hindi totoo ang balitang hiwalay na sila.

Noong Lunes ng gabi, isa si James sa nagbigay suporta kay Nadine, sa premiere night ng pelikula nitong Indak kasama si Sam Concepcion sa SM Megamall Cinema 1.

Magkasabay na dumating at naglakad sa red carpet sina Nadine at James kaya naman lalong nagkagulo ang fans na naghihintay sa kanila. Hindi magkamayaw sa kasisigaw at pagbati sa dalawa. Kagyat na iniwan ni James si Nadine para pumasok na samantalang si Nadine naman ay nagtungo sa entablado para batiin ang mga fan na naroon.

Punumpuno ang Megamall Cinema nang gabing iyon na hindi inalintana ng fans ang malakas na ulan kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng mga bida ng Indak kasama na ang kanilang director na si Paul Basinillo.

Tulad ng pelikulang Step-Up na nakae-excite panoorin, ganoon din ang Indak dahil bukod sa mga exciting dance routine, maganda ang pagkakalatag ng istorya. Kahanga-hanga rin ang mga shot sa dance moves nina Nadine at Sam ha kasama ang iba pang dance crew. Talaga namang mapapa-whew ka sa galing! Marami ring ipinakitang bagong dance moves ang mga bida ng Indak na kung mahilig ka sa sayaw, tiyak na maa-appreciate mo ang pelikulang ito.

Palabas na sa kasalukuyan ang Indak na handog ng Viva Entertainment sa lahat ng mga sinehan. Kaya go na kayo para hindi kayo mapag-iwanan ng mga latest dance move from Nadine and Sam.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …