Sunday , April 28 2024

Ejay Falcon, kinilala ang malaking blessings na hatid ni Rhea Tan

TULOY-TULOY ang pasabog ng BeauteDerm Corporation lalo’t papalapit ang countdown sa 10th anniversary celebration nito. Patuloy ang pagdami ng branches nito, kasabay ang pagdami ng celebrity endorsers/ambassadors ng BeauteDerm.

Last July 28 ay ipinakilala ang walong Star Magic artists na sina Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Kitkat, Matt Evans, Ryle Santiago, Alex Castro at, Ejay Falcon bilang BeauteDerm ambassadors sa grand launch na ginanap sa Seda Vertis North Hotel. Pinangunahan ito ng BeauteDerm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan.

Sa panayam namin kay Ejay, very vocal ang Kapamilya actor sa pasasalamat sa blessings na hatid ng BaauteDerm at ni Ms. Rhea. “Sobrang blessing si Mommy Rei sa lahat ng mga tao. Pag nag-show kami lalo sa mga out of town, makikita mo kung gaano siya ka-love ng mga tao. Sobrang generous niya, sobrang bait niya. ‘Yung blessings na nakukuha niya isini-share niya talaga sa mga tao,” sambit niya.

“Ang madalas kong gamiting product ay beauty set, kasi nandoon ‘yung sa katawan, sa mukha, tapos ‘yung facial wash, after mo mag-taping, kailangan tanggalin ‘yung mga alikabok. Pag-uwi ko, ‘yung sunscreen maraming-marami ang sunscreen, kasi sa taping sobrang sunog na sunog na kami, tapos ‘yung mga ilaw na ang lalaki, masusunog ka sa malalaking ilaw… Kaya nakabibilib ang BeauteDerm dahil effective talaga, makikita mo ‘yung testimonies ng mga tao, tingnan mo sa mga social media, totoo lahat ‘yun,” lahad pa ni Ejay.

Itinatag ni Ms. Rhea ang Beautéderm noong 2009 at target nila na magkaroon ng 100 stores bago matapos ang 2019. Mayroon na halos 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, singers, beauty queens, poli­ticians, comedians, at social media influencers. Sina Carlo,  Matt, Ejay, Alex, Jane, Ryle, at Ria ay brand ambassadors ng amazing line of pro­ducts sa ilalim ng Beauté­derm habang si Kitkat naman ay brand ambas­sador ng Slender Sips ng RD Healthy Living Corporation, na sister company ng Beautéderm Corporation.

Nagpasalamat si Ms. Rhea sa Star Magic at sa mga bago niyang babies. “This year proud ako to announce that we are welcoming fresh and new faces in our growing family. A younger generation that can be inspirational, na talagang napakagandang addition sa ating long list of celebrity Beautederm babies. And I would like to thank Star Magic for helping us to make this happen,” aniya.

Pahayag ng lady boss ng BeauteDerm, “My heart is overflowing with so much joy with the continuous expansion of our Beautéderm family.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *