Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marie Preizer, na-starstruck kay Nora Aunor

AMINADO ang newbie actress na si Marie Preizer na na-starstruck siya sa Superstar na si Nora Aunor. Nabanggit niya ang sobrang kasiyahan nang nabigyan  ng chance na maging part ng pelikulang Isa Pang Bahaghari na tinatampukan nina Ms. Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa.

“Ito ‘yung unang pelikulang I’m in at nakilala ko lang si Ms. Nora Aunor a few days ago and super starstruck tala­ga ako dahil alam na alam ko, she’s one of the best, if not the best, actress talaga in the Philippines. Mabait po siya and very humble,” saad ni Marie.

Hatid ng Heaven’s Best Entertainment, ito’y mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Ipinahayag ni Marie kung gaano siya kasaya sa proyektong ito. “Yung role ko sa pelikula ay si Monica, ang ex-girlfriend ni Peter played by Joseph Marco. And he is one of the son ng main character.

“Maigsi lang po ang role ko, pero kahit na maigsi lang, super-blessed po ako and happy na ‘yung unang pelikula ko is directed by sir Joel Lamangan, one of the best directors talaga sa showbiz. And I’m able to work with other great actors together and be in the same movie with the one and only Ms. Nora Aunor, talagang dream come true iyon and super blessed and happy po talaga ako. I know na after doing this movie, I will learn a lot from them,” masayang saad ng magandang aktres.

Si Marie ay laki sa Austria at may previous acting exposure sa teatro sa Vienna dahil ang mother niya ay isang writer and director sa Vienna theater. “Noon it was actually more for fun and it was for charity then. Kaya I came here wanting to be more serious in acting,” aniya.

Ang kabuuan ng casts ng Isa Pang Bahaghari ay kinabibilangan nina Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casiño, Maris Racal, Migs Almendras, Lloyd Samartino, Hero Bautista, Fanny Serrano, Jim Pebanco, Shido Roxas, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …