NAKATUTUWANG malaman na may mga taga-showbiz na kayang panindigan ang kanilang salita. Isa na rito ang award-winning actress na si Aiko Melendez.
Naka-chat namin si Ms. Aiko kahapon at nalaman naming papunta siya sa Subic dahil may mga constituent ang kanyang BF na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun na kailangan niyang bisitahin at tulungan.
“May dadalawin kaming mga bata na may sakit,” panimula ni Ms. Aiko. Dagdag niya, “Ako lang, dadalaw ako and magpapakain, simple gesture lang…”
Part ba ito ng pagmamahal niya sa Zambales at pagsukli sa overwhelming support na ibinigay nila sa aktres at VG Jay noong last election?
“Yes po kuya, nakapangako ako na dadalawin ko po sila kung wala akong ganap. Tinutupad ko lang po ang pangako ko, hindi kami tulad ng iba na after election ay wala na po,” wika pa ng aktres na kagagaling lang sa sakit.
Samantala, muling mapapanood sa teleserye si Ms. Ako, but this time ay sa GMA-7 naman. Mapapanood ang premyadong aktres sa seryeng Prima Donna at ito ang pagbabalik niya sa Kapuso Network after almost nine years.
Prior to this, ang last project niya sa Siyete ay sa afternoon series na Sine Novela: Basahang Ginto noong 2010. Gumanap siya rito bilang nanay ni Carla Abellana. Ang Basahang Ginto ang naging unang regular daily teleserye rin ng aktres.
Hindi nga maitago ni Ms. Aiko ang excitement sa unang araw ng kanyang taping tulad ng makikita sa kanyang FB post na ito:
“Today marks my first day of work for GMA. Excited with little sleep but, im delighted to be working with direk Gina Alajar. Im sure i will be learning so many acting tips from her. So today, I humbly embrace Kendra as this is my new role, for PRIMA DONNA. So me bago na kayo tatawagin sa akin. KENDRA! Ang aabangan nyo araw araw sa hapon. Expect a different Aiko Melendez. d’þ Mabuhay mga kapuso !!! Salamat Po Lord Jesus kasi lagi magandang role napupunta po sa akin =ØOÞ Im humbled!! Your love is amazing. All for your glory!”]
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio