Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken Ken, bahay ang wish na regalo kay Coco

BAHAY ang birthday gift na gustong matanggap ng Child Wonder na si Ken Ken Nuyad sa actor/producer/director na si Coco Martin na kasama sa action- serye, FPJ’s Ang Probinsyano.

Kuwento ni Ken Ken sa kanyang latest movie na The Fate ng Star Film Entertainment Production na idinirehe ni Rey Coloma na showing na sa August 25.

Birthday ko na po sa August 30,” nakangiting pahayag ni Ken Ken.

So anong gusto mong matanggap na regalo kay Coco? “Gusto ko pong matanggap na regalo kay kuya Coco ay bahay. Kasi po nangungupahan lang po kami, wala po kaming bahay.

Naaawa na kasi ako kay mama kasi marami siyang binabayaran, kaya sana magkaroon kami ng bahay.”

Bukod sa bahay, wish ni Ken Ken ang magkaroon ng maraming trabaho para may pera silang pambayad ng inuupahang bahay at gastusin.

Nagpapa­pasalamat din ang bagets sa producer ng The Fate dahil isinama siya sa pelikulang ito na ‘di lang sa Pilipinas mapapanood, dahil ililibot ito sa iba’t ibang festivals pa sa ibang bansa.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …