Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MISS PHILIPPINES FOUNDATION INC., 2018 WINNERS WITH MR. VICTOR TORRE

36 kandidata ng Miss Philippines Foundation, Inc., rarampa sa Palawan

ONCE a beauty queen, always a beauty queen!” Ito ang tinuran ni Alma Concepcion sa paglulunsad ng mga kandidata ng Miss Philippines Foundation, Inc. 2019 sa Garden Room ng Marriot Hotel, Resorts World Manila, noong Miyerkules.

Isa si Alma sa ibinabandera ng MPFI na hindi naman nakapagtataka dahil hanggang ngayo’y angkin pa rin ang kagandahang beauty queen.

Si Alma ang nagpakilala sa mga nanalo sa MPFI 2018 na sina Cheska Kai Apacible (Miss Tourism International); Samantha Coloso (Miss Face and Beauty International); Celine Negosa (Miss All Nation International); Angelic Ciolo (Miss Global City International) at Ayrra Averilla (Miss Polo International), at Ms. Philippines All Nation International, Rosene Bernardo,

Si Cheska Kai ang itinanghal na Miss Charity Special Award sa nakaraang Miss Tourism Queen International 2019 Elite na ginanap sa China kamakailan.

Ipinakilala rin noong araw na iyon ang 36 mga kandidata ng Miss Philippines Foundation, Inc. ng producer nitong si Mr. Victor B. Torre. Pawang naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ang 36 na magkakaroon ng pre-pageant night sa Coron, Palawan sa Agosto 24-29, 2019.

Ayon kay G. Victor, napili niyang pagdausan ng swimsuit at long gown competition ang Coron para isabay ang kompetisyon sa town fiesta (Agosto 29) at ipakita ang kagandahan ng isla sa national at international scene.

Magkakaroon din environmental services ang mga kandidata.

Sa Aqua World Garden Hotel and Restaurant sa Candelaria, Quezon naman gaganapin ang evening wear competition at ang coronation night ay sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila sa Oktubre 13.

Samantala, kaagapay ng producer ng Miss Philippines Foundation Inc. ang Coron Mayor na si Mario Reyes, Jr..

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …