Saturday , November 23 2024

PCSO tuluyan nang ipinatigil ni Pangulong Digong (Matigil na rin kaya ang jueteng?)

TULUYAN nang napundi si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang sulsol at sumbong na sa kanya’y ipinararating kaugnay ng operasyon ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO).

Siyempre lahat ng mga nakabukas na gripo na nakadugtong sa ‘bituka’ ng PCSO ay may kani-kaniyang interes sa operasyon nito…

Kaya kani-kaniya rin silang sumbong kay Pangulong Digong.

At doon sila nagkamali.

Kasi nga naman, naglagay siya ng tao sa PCSO para ayusin ‘yang ‘graft-ridden’ agency nang sa gayon ay mag-akyat ng kita sa pamahalaan na itutulong naman sa programang nakatuon sa financial and medical assistance sa mga nangangailangan.

Pero hindi sila nagtulong-tulong para maaresto ang korupsiyon kundi nagsilipan pa ng kanilang mga raket.

Sa buwisit ng pangulo, tuluyang ipinasara ang PCSO.

Wala naman daw talagang naiaakyat na malaking halaga sa gobyerno ang PCSO pero kung mag-ulat ay pagkalaki-laki ng gastos.

E saan ba talaga napupunta ang pera ng PCSO?

Panay ang press release na malaki na ang ingreso ng mga local STL pero saan napupunta?

Akala yata ng mga kamoteng sundot-urot sa Pangulo ‘e madali siyang papaniwalain sa mga sulsol.

Kaya ngayon, ang banta ng Pangulo, hintay kayo riyan… 

Hintayin lang daw natin ang ilang araw at nakahanda ang Pangulo na ilantad sa publiko ang ‘malalaking tao’ na sangkot sa ‘grand conspiracy’ na umiiral sa gaming operations ng PCSO.

Hudyat ba ito nang isang malaking laban na naman ni Pangulong Digong laban sa matatakaw sa kuwarta na para sana sa bayan?!

Ang isa pang tanong, kung ipinatigil ni Digong ang lahat ng palaro ng PCSO gaya ng STL, matitigil na rin kaya ang jueteng?

Hindi kaya parang nagpipiyesta ngayon ang jueteng operators dahil sa pagpapatigil ng PCSO gaming operations?

Abangan natin sa mga susunod na araw.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *