Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at Empoy, magsasama sa isang proyekto; mala-Kris-Rene Requiestas movie, niluluto

MATAPOS mabalitang gagawa na si Kris Aquino ng pelikula sa Quantum Films para sa 2019 Metro Manila Film Festival kasama si Derek Ramsay, si Empoy naman ang susunod niyang makakatrabaho.

Ayon sa isang malapit kay Kris, isang proyekto ang pagsasamahan nina Kris at Empoy. Ibinahagi rin naman ni Kris sa kanyang Instagram ito kahapon. Aniya, “Simplified my kaartehan (does that make sense?) i had brow rejuvenation but just fill in my kilay with my @krislifekit Happy Taupe, i have natural volume lashes from @newlounge.ph because i start shooting (K)Ampon in a couple of weeks. Pero today, working for @unileverphilippines with @empoy.

At dahil natuwa si Kris kay Empoy, nakaisip na siya kaagad ng storyline para sa kanilang dalawa.

Aniya, ”Watched Kita-Kita again on @netflixph last night and actually wrote a storyline for us w/c i’ll show @jeffvadillo & @visionerickson later. 

Sa pagsasamang ito nina Kris at Empoy, tiyak na mabubuhay ang tambalang Kris at Rene Requiestas na tinangkilik at nag-click sa pelikulang Pido Dida: Sabay Tayo taong 1990 mula Regal Films at idinirehe ni Tony Cruz. Na nasundan pa ng Pido Dida 2: (Kasal Na!) taong 1991.

Marami ang nagsasabing hawig sina Empoy at Rene tanggalin lang ang ngipin ng huli,  ha ha ha.

Tuwang-tuwa si Kris kay Empoy kaya naman pinanood pa nito ang pelikulang Kita-Kita.

Nagandahan si Kris, kuwento ng aming kausap, sa Kita Kita dahil sa tema nitong kindness.

Kaya after this first project from Unilever, hintayin natin ang pagsasama naman nila sa pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …