Thursday , December 26 2024

2.2 km ng Cavitex C-5 Link Expressway bukas na

BUBUKSAN na bukas, Martes, 23 Hulyo, ang Cavitex Infras­tructure Corporation (CI) kasama ang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority ang unang 2.2 Kms ng kanilang 7.7-Km Cavitex C-5 Link Expressway.

Kahapon ng hapon ay nagsagawa ng final construction inspection si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa 2.2 Kilometer section (C-5 Link Flyover) na konektado sa C-5 hanggang Merville, Pasay City at Sucat, Parañaque City.

Ito ang inianunsiyo ni Secretary Villar sa isinagawang inspeksiyon sa naturang flyover kasama ang mga opisyal ng CIC.

Sa pagkompleto ng C-5 South Link, ang urban expressway ay magbibigay sa mga motorista ng mga bagong ruta habang bina­baybay ang traffic choked cor­ridors sa pagitan ng Parañaque City, Las Piñas City, Pasay City, at Taguig City sa katimugang Metro Manila.

“Vehicular traffic spends about 1.5 hours just across from Villamor area in Pasay City hanggang Taguig via Fort Bonifacio. On opening, this section will have three lanes on each direction and will enable about 8,000 vehicles to easily cross in half that time,” ani Villar.

“We are committed to pursuing the completion of the remaining sections of the Cavitex C-5 Link expressway under the Build Build Build Program of the President,” dagdag ni Villar.

Ang C-5 Link Flyover project ay nagkakahalaga ng P1.6 bilyon na magiging alternatibong ruta para sa commuters na bumibi­yahe sa pagitan ng Fort Boni­facio, C.P. Garcia (C-5), Taguig City, Parañaque City, Las Piñas City at Pasay City.

Direkta rin itong tatawid mula sa C-5 ng Metro Manila Skyway at ng South Luzon Expressway, hanggang Merville at Sucat.

Inaasahang mada-divert ang trapiko ng mga sasakyan sa pagbubukas nito mula sa often-gridlocked sa Sales interchange malapit sa Villamor Airbase at mapagagaan ang pagsisikip sa parehong SLEX east at West Service Roads maging sa EDSA.

“We are on our final touches for this segment. Ultimately, we foresee that Cavitex C-5 Link Expressway will benefit abot 50,000 vehicles daily and will afford commuters the express­way experience south of Metro Manila from Parañaque Toll Plaza hanggang C-5 sa Taguig City. We intend to start construction of the next 2.1 Km section from Merville to Sucat, Las Piñas City by 4th quarter of this year,” ani CIC President Roberto Bontia.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *