Saturday , November 23 2024

Hindi nagtatago, hindi kuripot at hindi paasa si Pasay City Konsi Donna Vendivel

BILIB tayo kay Pasay City Konsehal Donna Vendivel.

Ang mga lumalapit sa kanyang mga cons­tituent ay hindi kailangan umasa at magmuk­hang timawa dahil hindi siya politikong paasa.

Hindi gaya ng isang mataas na opisyal diyan sa Pasay na parang orocan sa kaplastikan.

Napakainam sa harapan pero kapag naka­talikod na, nakupo, umaarangkada ang katoto­hanan.

Lahat ng ipinangako noong nakaraang eleksiyon ay parang ‘tracing paper’ ng isang arkitekto — isang malaking drawing!

Malayong-malayo kay Konsehal Donna Vendivel na kahit mdaling araw ay maaasahan.

‘Yung plastikadang opisyal, nang magbigay ng tulong para sa patay na kapos pa ng P7,500 para sa pampalibing, tumugon naman at tumulong pero nagbalanse pa ng P2,000.

Ano ba ‘yan?!

E sa ibang lungsod nga libre na ang palibing dahil sa mahusay na programa ng mga Yorme.

At heto pa, minsan nag-aabuloy pa ng P200?! Kulang pang pambili ng kape

Wattafak!

Hindi ganyan si Konsehal Donna.

Ibang-iba ang pagkalinga niya sa mga taga-Pasay.

Sabi nga ng mga taga-Pasay, parang si Konsehal Donna ang tunay na ina ng kanilang lungsod.

How sweet naman!

           

PANAWAGAN AY DIGONG

Mahal na Mayor Duterte,

Ang resulta ng 15 buwan rehabilitasyon ng Boracay, ang ulan ay humalo sa tubig imburnal dahil isang tubo lamang ang kanilang inilagay sa main road at pinakakawalan sa back beach na hindi dumaan sa water treatment facilities, na kasama sa P130 per cubic meter na sinisingil sa mga gumagamit ng tubig sa isla.

Saklolohan po ninyo kami.

— Concerned Boracay residents

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *