Wednesday , December 25 2024
NAGLABASAN ang mga estudyente at mga guro ng Araullo High School sa Ermita, Maynila nang maramdaman ang 6.1 magnitude na lindol sa Metro Manila kahapon dakong 1:28 pm na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko nang maglabasan ang mga tao sa kanilang gusali dahil sa takot. (BONG SON)

MMDRRMC hinikayat makiisa sa 5th Metro Manila Shake Drill

INATASAN ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ngayong araw ang mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (MMD­RRMC) na makiisa sa ika-5 Metro Manila Shake Drill sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang scenario at table-top exercises para maihanda ang publiko sa posi­bilidad ng lindol.

Hinimok ni Michael Salalima, concurrent Chief of Staff ng MMDA Office of the General Manager at Focal for Disaster Risk Reduction and Management, ang mga DRRM officers na kombinsihin ang priba­dong sektor at mga non-government organizations na kanilang nasasakupan para makita ang kanilang kakayahan sakaling gabi mangyari ang sakuna.

“Kasunod ng direk­tiba ni MMDA Chairman Danilo Lim, ang shake drill para sa taong ito ay magiging multi-sectoral, multi-level, at regional-wide. Sa kauna-unahang pagkakataon, aasahan natin ang mas malaking partisipasyon ng mga nasa pribadong sektor,” ani Salalima sa MMD­RRMC meeting na isina­gawa sa MMDA head­quarters ngayong araw.

Upang ihanda ang Metro Manila sa anomang maaaring mangyari, gagawin ang mga napag­kasunduang scenarios at rehearsal simulation para sa isang malakas na lindol.

Kasama rito ang pan­samantalang pagka­antala ng suplay ng tubig, koryente, at linya ng komunikasyon, buil­ding evacuation, pagbibi­gay ng first aid sa mga sugatang biktima, pag­patay ng sunog, at pagsalba sa mga na-trap.

“Gagawing eva­luation tools ang mga scenario at gagawin itong makatotohanan,” ani Salalima.

Hindi gaya ng mga nakaraang drill, hindi na naka-preposition ang mga equipment at tau­han sa mga quadrant sa apat na sektor – North, East, West, at South.

Makikita sa nasabing drill kung paano gagawin ng MMDA, iba pang ahensiya ng gobyerno, at lokal na pamahalaan ang kanilang contingency plans.

Para sa pribadong sektor, makikita ang kani­lang business continuity plans sa kabila ng mga sakuna.

Ayon sa MMDA of­ficial, hiningi na rin ang partisipasyon ng Philip­pine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at National Resilience Council para mahimok ang kanilang mga mem­ber businesses na makiisa sa drill.

Base sa pag-aaral, mas marami ang magi­ging casualty sa gabi kompara sa araw kung kailan nasa mga paaralan at opisina ang karamihan.

Uumpisahan ang drill sa ganap na 4:00 am sa 27  Hulyo sa pamama­gitan ng pagpapatunog ng alarm na maghu­hudyat ng pagsisimula ng aktibidad.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *