NANG biglang sumungaw si Piolo Pascual sa entablado ng New Frontier Theater para tanggapin ang parangal para sa Rising Producers Circle na iginawad para sa Spring Films nila nina Joyce Bernal at Erickson Raymundo, marami ang nag-fast forward na baka siya na ang mag-Best Actor sa EDDYS ng SPEEd.
Ang mga nagsipagwagi sa katatapos na ikatlong pagbibigay ng parangal ng EDDYS ay ang sumusunod:
BEST SUPPORTING ACTOR: Arjo Atayde (Buy Bust)
BEST SUPPORTING ACTRESS: Max Collins (Citizen Jake)
BEST SCREENPLAY: Zig Dulay and Kip Oebanda (Liway)
BEST IN CINEMATOGRAPHY: Yam Laranas (Aurora)
BEST VISUAL EFFECTS: Gem Garcia and Ernest Villanueva (Aurora)
BEST MUSICAL SCORE: Paulo Protacio (Bakwit Boys)
BEST PRODUCTION DESIGN: Roy Lachica (Goyo)
BEST EDITING: Chuck Gutierrez (Liway)
BEST THEME SONG: Maybe the Night by Ben & Ben (Exes Baggage)
BEST SOUND: Aian Louie Caro and Pierre Marco Javier (Bakwit Boys)
BEST PICTURE: Liway (Alemberg Ang)
BEST DIRECTOR: Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset)
BEST ACTRESS: Kathryn Bernardo (The How’s of Us)
BEST ACTOR: Dingdong Dantes (Sid and Aya)
PRODUCER OF THE YEAR: Star Cinema
RISING PRODUCERS CIRCLE: T-Rex Entertainment and Spring Films
JOE QUIRINO AWARD: Cristy S. Fermin
MANNY PICHEL AWARD: Ethel A. Ramos
LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD: Elwood Perez
POSTHUMOUS AWARD: Dolphy
EDDYS ICONS: Anita Linda, Joseph ‘Erap’ Estrada, Amalia Fuentes, Eddie Gutierrez, Celia Rodriguez, Dante Rivero, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Lorna Tolentino, at Christopher de Leon.
Ang PARANGAL SA SANDAAN ay pinangunahan ng Big Three Productions: Sampaguita, LVN, at Premiere kabilang din sina Marichu Vera Perez-Maceda para Sampaguita Pictures, Maroth de Leon for LVN Pictures, Digna Santiago for Premiere Productions Inc., Armida Siguion Reyna (Posthumous), Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, Rosa Rosal, Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Odette Khan, at Tony Mabesa.
Ang THE EDDYS (The Entertainment Editors Choice) ay isang awards event na ang konsepto ay binuo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Sa kanilang ikatlo, patuloy ang the EDDYS na magbigyang halaga at pugay sa sari-saring aspero ng indusrriya ng showbiz ang mga talento ng masisipag na tao.
Pahayag ng Pangulo nito na si Ian Fariñas, ”The EDDYS annually recognizes the outstanding work of craftsmen, artists and producers in film of the previous year. It is the society’s contribution to the Philippine movie industry in an era when technology is constantly changing the world’s platforms for entertainment.”
Kabilang sa mga nag-share ng kanilang performances ay sina Lara Maigue, Rita Daniela, Rayver Cruz, Bituin Escalante, Aicelle Santos, Ice Seguerra and Miss Saigon’s Thuy and soon to be Anthony Hope in Sweeney Todd, Gerald Santos.
Touched ang marami sa awit ni Kuh Ledesma na Paano Kita Mapapasalamatan para sa mga kasama sa industriya na pumanaw na.
Panay papuri naman ang inabot ng direktor nito na si Calvin Neria.
Ang bumubuo ng SPEEd ay sina Ian Fariñas (President), Tessa Mauricio-Arriola (External Vice-President), Salve V. Asis (Internal Vice-President), Maricris Valdez-Nicasio (Secretary), Gie Trillana (Assistant Secretary), Dondon Sermino (Treasurer), Dinah Ventura (Assistant Treasurer), Jojo Panaligan and Ervin Santiago (PRO) and Rohn Romulo (Auditor).
Ang Board Members ay sina: Rito Asilo, Jerry Olea, Dindo Balares, Nickie Wang and Neil Ramos.
The Council of Founding Members naman ay kinabibilangan nina: Isah V. Red, Eugene Asis and Nestor Cuartero.
Mas magiging kompleto sana ang magandang pagtatanghal kung nakadadalo ang lahat ng mga nominado. Para present ang nananalo.
Masarap sa pakiramdam na makita ang mga noon pa man ay sinasaluduhan na sa kanilang larangan.
Isa na riyan na personal kong ikinatuwa ay si Pepito Rodriguez ng Sampaguita Pictures.
Mabuti at present ang hinirang na Best Actor na si Dingdong!
May mga hindi sumasang-ayon sa choices ng EDDYS pero ‘yan ang pinili nila.
And that’s final! On to the next EDDYS.
Congratulations sa Echo Jham Entertainment Productions at sa bumubuo nito!
ni PILAR MATEO