IKINAGAGALAK natin ang patuloy na paglaganap ng ating programang ‘Lapid Fire’ sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM) na gabi-gabing nasusubaybayan, 10:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes.
Nagsisilbing inspirasyon sa atin ang ilan sa mga mababasang mensahe mula sa lumalagong bilang ng mga kababayan natin sa iba’t ibang bansa na nararating ng ating programa, via livestreaming sa Facebook at You Tube:
DANNY SANTOS (Ca., USA): “Mr. Lapid, we are here in California. Talaga palang napakasamang tao si Erap. Kaya pala kapit-tuko sa puesto, pagkalaki pala ng pera galing sa masama. Dapat kay Erap ikulong ng tuluyan kasama ni Jinggoy at huwag bibigyan ng anumang awa kasi walang kadala-dala ang mag-amang iyan. Rest assured that we will always support you. You are a good brave man. Ganyan ang tunay na lalaki, may sariling paninindigan at walang takot magsalita. You are not only a hero to the millions of Filipinos but a legend. Lagi naming sinusubaybayan ang programa mo dine sa Los Angeles, California. Sabi nga ng mga Pilipino dine ay bihira ang lalaking katulad mo. Basta suporta kami sa iyo anuman ang mangyari.”
- MASALAYSAY (USA): “Mr. Percy Lapid, I’ve been listening to your radio program for the past 5 weeks now (via You Tube), really loved it. l have learned a lot about politics and things going on in my beloved country. I’m a retired U.S. Air Force, will surely recommend your program to my comrades, family and friends. More power to you, sir! Salamat po, will continue to listen to your very informative program.”
ALFRED DELOS SANTOS (Belgium): “I like your program, simula nang maganap lang ang issue kay Erwin at doon sa general na inalipusta niya nang husto, doon lang kita pinansin and you remind me a lot! And since then, inaantabayan na kita.”
DINO/LOURDES M. (Manitoba, Canada): “Mang Percy, kaming dalawa po ni misis ay malugod na nanonood sa You Tube ng inyong programa, araw araw. Mabuhay po kayo at ang inyong programa.”
ARNALDO DELA PAZ (Ca., USA): “Ka Percy, bagong listener lang ako since Oct 2018, na-discover ko lang by accident. Napanood ko ‘yung You Tube replays, May to June 2018. Magaganda discussions. Nakatutuwa ‘pag nare-recall n’yo ‘yung mga lumang sinehan, radio announcers, etc. Puwede ka nang sumulat ng history book sa lawak ng kaalaman mo at natatandaan. Nandito ako sa La Puente, California (malapit sa West Covina ito). ‘Pag weekend, nakikinig ako sa replays, kahit paulit ulit habang nagdidilig sa vegetable garden o ginagawa ang hindi na maubos na projects courtesy ni misis, hehehe! Thank you sa programa ninyo, dahil balanse talaga. Kahit pro-Duterte, ‘pag mali hindi mo kinakampihan. Bayan muna, hindi politika. Nasasabi mo ‘yung damdamin ng tao. Nakakapanood rin ako nang live streaming sa Facebook habang nasa work kaya pasingit-singit lang ng comment. Kulang ang araw ‘pag walang Lapid Fire. The best ang show mo, gusto ko lang ipaabot, maraming salamat po everyday!”
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG
ni Percy Lapid