Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ang mga Kaakbay ng Sunlife — Iñigo Pascual, Enchong Dee, Charo Santos, Piolo Pascual at Matteo Guidicelli

Attendees sa Sunlife Kaakbay, kinilig sa love story ni Charo

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay marami kaming natanggap na mensahe sa kung nasaan ang asawa ng dating Presidente ng ABS-CBN na si Ms Charo Santos-Concio, si Mr. Cesar Concio.

Wala kasi siya sa ginanap na mediacon ng Sun Life Financial Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships sa Sofitel Philippine Plaza Manila at ang dalawang anak na sina Francis at Martin Concio ang dumalo at mga anak nila.

Sa pagkakaalam din namin, hindi pinag-uusapan sa ABS-CBN ang tungkol sa personal na buhay ni Ma’am Charo.  At nang i-Google namin si Mr. Concio ay 2017 pa ang huling balita na nag-selebra silang mag-asawa ng kanilang 35th wedding anniversary, Nobyembre 9.

Naging rebelasyon kasi ang kuwento ni Ms Charo kung paano sila naging mag-asawa ni Mr. Concio bagay na ikinagulat ng mga dumalo sa Sun Life Financial Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships.

May mga ipinakitang video clips ang Sunlife na tribute sa mga taong mahal ng kanilang endorsers na sina Ma’am Charo, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, at mag-amang Piolo at Inigo Pascual.

Ang ipinakita sa lady boss ng ABS-CBN ay ang mga larawan nila noon ni Mr. Concio habang ikinuwento ng una ang mga ito.

Una siyang nakita bilang isang brand ambassadress ng isang produkto at sa palagay niya ay nagkagusto kaagad sa kanya si Mr. Concio dahil hindi na siya nilubayan.

Fresh at nene pa naman talaga noon si Ms Charo sa edad na 20.

May screening ang pelikula niyang Kisap Mata (1981) at pagkatapos niyon ay niyaya siyang kumain hanggang sa nasundan na ng maraming beses ang kanilang paglabas-labas.

Walang iniisip na iba si Ms Charo dahil hindi naman nanliligaw, hindi nagpapakita ng pagka-gusto sa kanya sumasama siya bilang parte rin ng trabaho dahil nga boss niya noon ang napangasawa. Ipinakilala siya sa mga ka-negosyo.

Hanggang sa niyaya siyang pumunta ng Europe, “I felt safe naman not knowing na he’s going to Europe pala to propose to the girl he’s in love with,” say ni Ms. Charo.

At dahil nasa Rome, Italy sila ay nagsimba na siya sa St. Peter’s Basilica at nanalangin ng, “I ask God to bless me with a good husband.”

Hindi naman niya alam na ang lalaking katabi niya ang siyang mapapangasawa.

At dahil matagal namang hiwalay na sa unang asawa niya si Mr. Concio ay natanong lang ni Ms Charo kung may planong mag-asawa ulit ang lalaking kaharap.

Sinagot daw siya ng, “Yes in fact I’m thinking of marrying you.” Natigalgal ang MMK host sa sagot sa kanya at naiba ang usapan.

Ikinagulat kasi ni Ms Charo na kaya pala siya isinama ay dahil magpo-propose. At dahil hindi naman siya sumagot hanggang sa bumalik na sila ng Manila at hindi nagkita ng matagal bagay na nami-miss ng una. Inisip niya na bakit may ganoong pakiramdam siya kay Mr. Concio, hinahanap niya ang presensiya nito.

‘Di kalaunan ay tumawag na rin ang man of her dream at niyaya siyang mag-dinner at tinanong kung kailan niya gustong magpakasal.

Sinagot niya kaagad ng, “Autumn (season) would be a good time.”

“Shocked the Manila Society,” ang terminong ginamit ni Ms Charo nang malamang ikinasal na siya kay Mr. Concio na halos doble ng edad niya sa ibang bansa.

Walang pagsisisi sa parte ni Ms Charo dahil ang lalaking kasama niya na isinilebra niya ang kanilang 35th year bilang mag-asawa noong 2017 ay ang lalaking hiniling niya sa Diyos.

Aniya, “Once in my life I prayed: God, please bless me with a good husband. Maybe I did something right in my life to be blessed with not just a good husband but a wonderful person who is also my best friend, teacher, adviser, life coach, and my biggest fan. Happy 35th Anniversary to us. #MyGreatLove #MyJourney #MayForever.”

Nabanggit din ni Ms Charo na noong ginagawa nila ang libro niyang Journey: The Story of Unexpected Leader ay kinilig ang writers niya sa love story nilang mag-asawa at mababasa ito sa Chapter 4 ng nasabing libro.

Samantala, mapapanood ang mga Kaakbay videos sa Sun Life’s YouTube channel, @SunLifePH, simula sa July 13 (Sabado). At sa mga makakapanood ng video, maaari ring mag-share ng kanilang istorya ng Lifetime partnership at ipadala sa @SunlifePH sa YouTube o Facebook at manalo ng trip for two.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …