Saturday , November 23 2024

Kathryn, muntik ‘di tapusin ang Hello, Love, Goodbye

H INDI ito para sa akin   (pagiging OFW).” Ito ang na-realize ni Kathryn Bernardo nang mag-stay ng may isang buwan sa Hong Kong habang ginagawa ang pelikulang Hello, Love Goodbye nila ni Alden Richards mula Star Cinema na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina, at mapapanood na sa July 31.

“Maraming opportunities abroad pero marami rin dito (‘Pinas). Hindi siya madali, dapat ‘pag pumunta roon buo ang loob. Hindi dahil kailangan nila pero malungkot ka.

“Dapat i-consider din ‘yung gusto natin. Hindi para sa lahat. Ako one month lang sa HongKong pero parang grabe ‘yung pagka-homesick, grabe ‘yung lungkot hindi ka makatulog ng maayos kasi nami-miss mo ‘yung kama mo, ‘yung pamilya mo. Itanong mo sa sarili mo if it is worth your sacrifices if you really want it and if you really need it.”

Aminado si Kathryn na malaking adjustment sa kanya lalo na kay Daniel Padilla ang pagkakalayo nila ng isang buwan. “Pero hindi siya nagkulang sa suporta,” giit ni Kath sa mediacon ng Hello, Love Goodbye noong Martes ng gabi. “Roon ko siya lalong na-appreciate kasi noong first week ko sinabi kong umiiyak ako every night. Gusto ko nang magpa-book pabalik ng ‘Pinas. Ayoko nang tapusin ang movie kasi hirap na hirap na ako.

“So kausap ko siya every night kaya nakikita niya ako kung ano ang nangyayari sa akin. So ang nangyayari, hindi rin siya nakakatulog kasi nag-aalala siya sa akin,” kuwento ni Kath kaya napagkasunduan nilang mag-update na lang every now and then.

Kaso hindi iyon nangyari dahil, “kinuha ‘yung phone ko kaya sabi ko ‘oh my God paano ako mag-a-update?’ Tapos kapag may mabibigat akong scene bawal ako sa phone. So hindi ako nakaka-update sa kanya (DJ). So sabi niya pupunta na lang siya, dadalaw na lang siya.”

Pero bago gumiling ang kamera kina Kathryn at Alden, ibinalita muna niya ang pagsasama nila kay Daniel.

“Nagulat si DJ, ako rin naman. Noong kinausap ako nina Inang (Olive Lamasan) at sinabi nilang si Alden ang makakapareho ko. Right after the meeting, sinabi ko agad kay DJ and sinabi ko rin na kung tanggapin ko ito medyo matagal akong mawawala kasi lock-in kami sa HK.

“Hindi naging madali. Mahirap para sa amin, kasi for 6-7 years, kami ang magkasama sa trabaho. So, kahit nagtatrabaho kami abroad okey kasi kami ang magkasama.

“Iba ngayon na magkahiwalay. Kasi sa ‘Three Words to Forever,’ lock-in din kami sa Ormoc pero hindi ganoon katagal tapos pumunta siya. And more of a family movie iyon. Hindi siya naging madali para sa amin pareho,” kuwento pa ni Kathryn.

Bagamat mahirap, nabawasan lang ang pag-aalala ni DJa dahil alam nitong kasama ng kanyang GF si Direk Cathy gayundin si Mommy Min (ina ni Kathryn) at si Joross (Gamboa). “So wala siyang dapat ipag-alala. So, ang naging challenge lang sa amin ‘yung ganoong katagal naghiwalay na super hirap kaya supportive siya, all out siya rito sa movie.”

Samantala, bukod sa cellphone, pinagbawalan din pala ang mga co-actor at crew na makipag-usap kay Kathryn. Kaya naman aminado siyang muntik nang masira ang ulo o ma-aning.

“Na-deprive talaga ako ng communication. Lalo na kapag may heavy scenes akong kukunan,” pagtatapat ni Kathryn.

Susog naman ni Direk Cathy, ginagawa niya iyon dahil, “I just felt to do it with Kathryn dahil she has fairly a good life. Hindi sila naghirap. So ano ang definition ng pain and suffering? Malayo sa definition niyon kay Joy (karakter ni Kathryn) Kaya sabi ko iaarte mo lang ito so, nobody will believe in you? So it has to be real para mapaniwala ang tao. Kailangan na ma-feel talaga niya ang pain ni Joy.”

At puwede lang kausapin si Kathryn ng crew kapag business ang pag-uusapan.

Sa kabilang banda, muntik nang hindi tapusin ni Kathryn ang pelikula. Nabago lang ang isip niya nang mag-usap sila ni Direk Cathy at ipaliwanag kung bakit kailangang galitin siya nito.

“Sinabi niyang kailangang hindi siya (Direk Cathry) maging nice sa akin. Kailangan ding magustuhan ko ang ginagawa ko dahil hindi iyon magwo-work kung hindi ko magugustuhan.

“And inakap ko na lang ‘yung role. Tinanggap ko ‘yung panibagong challenge and sa push ni DJ na gawin ko ito.

“Kasi alam ng lahat na ginagawa ko ito para magawa ko ng maayos ang role. And I made the right choice dahil sila ‘yung mga taong gusto kong gawin ito para maibigay ko ‘yun sa role.

“Nakatulong. Sobra-sobrang nakatulong pero hindi siya naging madali, hindi iyon ang paraan na gusto ko. Pero napakalaking tulong at experience para magawa ko ‘yung role ni Joy ng maayos,” paliwanag pa ni Kathryn.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *