Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Kelot sugatan sa 5 holdaper

PINAGTULUNGANG saksakin ang 34-anyos lalaki ng limang holdaper nang  tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang gamit sa Taguig City, Martes ng gabi.

Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktima na kinilalang si Jonathan Vitamog sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagka­kakilanlan ng mga suspek.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pangho­holdap sa biktima sa C-5 Waterfun Bridge Under­pass, Barangay Western Bicutan sa Taguig City, dakong 9:30 pm.

Naglalakad ang biktima sa nasabing tulay nang harangin ng limang suspek na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang mahahalagang gamit na ikinagalit ng mga suspek hanggang pagtulungang saksakin sa katawan si Vitamog.

Nagawang manlaban ng biktima kahit sugatan na siya sa mga suspek hanggang makahingi ng tulong sa mga miyembro ng Public Order and Safety Office (POSO) kaya naisugod siya sa pagamutan.

Tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang Taguig city police sa nasabing insidente.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …