Wednesday , November 27 2024

15/21 sa House Speakership Solomonic decision

ALL’S well that ends well.

Pagkatapos nang halos dalawang buwang gitgitan sa ‘estribo’ ng Speakership sa Kamara, diniinan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘silinyador’ ng kanyang desisyon para arestohin ang namumuong ‘bangayan’ sa dalawang pinakamalapit sa puwesto — kina Taguig congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Isang Solomonic decision ang ginawa ng Pangulo para payapain ang lahat ng grupo sa loob ng Kamara na may kanya-kanyang sinusuportahang kandidato sa pagiging Speaker.

Kapwa magiging Speaker ng Kamara sina Cayetano at Velasco, pero unang mauupo ang Alan na may single L sa loob ng 15 buwan at ang Allan na may double L ay mauupo sa huling 21 buwan.

Hindi lamang sina Cayetano at Velasco ang binigyan niya ng halaga sa nasabing desisyon, maging si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ay iminumungkahi niyang maging Majority Floor Leader.

Sabi nga, tahimik ang lahat sa mungkahi ng Pangulo sa ginanap na pulong ng mga nasasangkot. 

Sa ginawa ng Pangulo, lalong marami ang humanga sa kanyang pagdedesisyon.

Kumbaga kung hindi naging maingat sa kanyang pagdedesisyon ang Pangulo, mawawasak ang malapad niyang alyansa o koalisyon ng kanyang mga tagasuporta.

Lalo’t sabi nga, bawat isa sa kanila ay may malaking kontribusyon sa panalo ng Pangulo noong 2016 elections at sa nakaraang senatorial election.

Sabi ng Pangulo, isa ang kanyang layunin kung bakit pinalalapad niya ang kanyang alyansa — nais niyang tuparin ang mga pangako niya sa taong bayan noong siya ay kumandidato.

At ang mga nakapaloob sa kanyang alyansa ay pinaniniwalaan niyang makatutulong para matupad ang lahat ng kanyang pangako.

Kaya ngayon, umaasa tayong all’s well that ends well sa isyu ng Speakership sa Kamara.

Sulong sa SONA!        

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *