Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, happy na makatambal muli si Osang, may bonus pang Carmi

HAPPY ang award-winning actor na si John Arcilla na muli niyang makakatambal ang dati niyang leading lady na si Rosanna Roces, sa The Panti Sisters.

Katambal din niya ang aniya’y favorite comedienne niya na si Carmi Martin. Kaya lalong na-happy si John dahil reunited na sila ni Osang, may bonus pang Carmi.

Naging leadingman ni Rosanna si John sa pelikulang Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin noong 1997.

Ine-enjoy nga ni John ang pakikipagtrabaho kina Osang at Carmi sa The Panti Sisters na idinirehe ni Jun Robles Lana at ipinrodyus ng The IdeaFirst Company, Black Sheep, at ALV Films. Ang pelikulang ito ay official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Dino Seguerra.

Ayon sa Instagram post ni John, “I am ECSTATIC to share my next FILM after giving you an @erikmatti nerve-wracking SCARES. A @junrobleslana WACKY FILM project with my favorite Comedienne Carmi Martin; a reunion with My Leading Lady from the 1997 Blockbuster ‘Ligaya ang Itawag mo sa Akin’ Rosanna Roces”

Samantala, thankful din si John sa kanyang The Panti Sisters family sa masayang birthday lunch at may pa-cake pa sa shooting ng naturang pelikula kamakailan.

John turned 53 noong June 24 at nag-shoot sila ng The Panti Sisters noong June 25. Kompleto ang main cast ng araw na iyon kaya masayang-masaya si John na magkakasama silang kumain ng lunch nina Osang, Carmi pati ng mga bida ng pelikula na sina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario. Nakasama rin nila ang buong production team sa pangunguna ni Direk Jun.

Ibinahagi pa ni John sa kanyang Instagram ang ilang photos sa naturang birthday lunch pati na ang birthday wish niya sa caption na, “THANK YOU to my #pantisisters Family for the Birthday Cake! thank you @realcarmimart in @martinmiguelmdelrosario  @iamrosannaroces  @christiaaan06 for the happy lunch moment; @pochoy_29 and the gogo Girls for the cake opening number! You rock! Sobrang aliw! Thank you Direk @junrobleslana; Sana payapa ang Pilipinas! (Amen!) woooot! Peace no war please! Ahahahaha! Sana always, sana all 🙂 wooooot! Sana lahat ng animals masaya, #stopextinction please! sana lahat milyonaryo! Para walang officials na corrupt! PEACE! Sana wala ng climate change! Sana lahat masayaaaa! Woooot! Enjoy your day my friends, i am enjoying mine!”

Ginagampanan ni John ang tatay nina Paolo, Christian, at Martin.

Mapapanood ang The Panti Sisters bilang bahagi ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na tatakbo mula Setyembre 13 hanggang Setyembre 19 sa mga sinehan nationwide. 

(GLEN P. SIBONGA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …