“W E’RE good friends.” Ito ang iginiit ni John Roa, dating miyembro ng grupong Ex-Battalion pagkatapos ng presscon ng Go For Gold Philippines na ginawa sa SMX-MOA noong Huwebes ng hapon.
Ang pagdepensa ni Roa ay tugon sa pag-alis niya sa grupo isang taon na ang nakararaan. Hindi rin totoong galit sa kanya ang dating mga kagrupo matapos siyang magsolo at pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency.
“Maayos din ang relasyon ko sa kanila. Nagsama-sama pa nga kami kamakailan,” muling tugon ng binatilyong singer.
Iginiit pa ng dating member ng Ex B na hindi rin totoong watak-watak na ang dating grupong kinaaniban niya.
“Actually ako pa ang gumawa ng paraan para muling maging solid ang pagkakaibigan naming. Kumbaga, wala na po sa amin ‘yun. Wala na. Nakipag-usap ako sa kanila and we can still make music together,” pagdepensa pa ni Roa.
Sinabi pa ni Roa na, ”I can make my own music. They can do their own stuff. Parang ang importante, at the end of the day, may suporta sa isa’t isa,” tsika pa niya sa Guinness World Record Attempt for Most People Dribbling Basketball Simultaneously.
Kasamang humarap si Roa nina Jeremy Go, Go For Gold Philippines godfather at Jay Montelibano ng Viva dahil ang una ang kumanta ng jingle ng event na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Ground sa July 21.
Sa kabilang banda, handang-handa na ang Go For Gold Philippines para ibandera ang kakayahan ng Filipino basketball community para ma-break ang Guinness World Record for para sa pinakamaraming bilang ng taong nag-di-dribble ng sabay-sabay.
Ayon kay Go For Gold godfather, may 10,000 dribblers ang kanilang inimbitahan para sa July 22 record-shattering feat na gaganapin sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.
“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ paliwanag ni Go.
“We believe that this will be a good way to bring buzz and excitement to kick start our country’s program,” sambit pa ng vice president for marketing ng Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang prime mover sa likod ng Go For Goldproject.
Suportado rin ang event na ito ng ng International Basketball Federation (FIBA), Philippine Olympic Committee atPhilippine Sports Commission at ng Viva management sa pamamagitan ni Mr. Montelibano.
”Also in line with our motto ‘Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserve the best, whether it is in training, sports, events, even scratch tickets, we want to have an international record that we can be proud of,” dagdag pa ni Go.
Ang kasalukuyang may hawak ng record sa dribbling ay ang United Nations Relief and Works Agency (UNRWA), na nakapagbuo ng 7,556 katao sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong July 22, 2010.
Kaya inaasahang mala-fiesta ang magaganap sa MOA Concert Grounds na dadaluhan din ng mga Scratch it! brand ambassadors na sina Nadine Lustre at Sam Concepcion a makikisaya rin sa event. Siyempre kasama rin si John Roa, ang Karencitta, This Band, at Allmost.
Inaasahan ding dadalo ang mga player, coach, at team officials mula sa PBA at Maharlika Pilipinas Basketball Leagueballclubs para sa recording-shattering attempt.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio