Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kate Brios, mapapanood sa OFW, The Movie

NAGAGALAK ang aktres, producer, at MTRCB board member na si Ms. Kate Brios na naging bahagi siya ng advocacy film na pinamagatang OFW, The Movie na pinamahalaan ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

Nabanggit niya ang sobrang kasiyahan na nakatrabaho rito ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez.

Saad ni Kate, “Sobrang saya ko na nakatrabaho ko ang one of the best actress sa industriya ng showbiz. Sobrang bait ni Ate Sylvia at kababayan ko rin siya sa Butuan City, parehas kaming Bisaya rin.”

Nagkuwento pa siya ukol sa kanilang pelikula.  ”Ang role ko rito, kaibigan ni Sylvia Sanchez sa Dubai at naging OFW din.

“Itong movie na OFW, ipina­kita namin dito ang mga naging successful na istorya ng mga OFW at ang kanilang mga naipundar sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa. Ang kanilang mga amo rito ay puro mababait at ang ibang istorya pa na makikita sa movie, na mismong ang amo ang nagpatapos ng kurso ng isang nurse. Kaya kakaiba ito sa ilang naging movie about sa OFW dati na puro masakit ang naranasan nila sa mga amo nila. Itong ngayon na movie about sa OFW, puro successful ang ipinakita rito,” masayang sambit pa ni Ms. Kate.

Kasama rin sa pelikula sina Rafael Rossel, Kakai Bautista, Christian Vazquez, Dianne Medina, Miggs Cuaderno, Mel Kimura, at ang kilalang indie producer na si Ms. Baby Go na tuwang-tuwa sa pagkakasali sa naturang proyekto. Si Arnell Ignacio naman ang magsisilbing narrator sa katapusan ng bawat episode.

Si Ms, Kate ay nakatakda rin gumawa ng pelikula sa BG Productions ni Ms. Baby Go. Isa itong horror movie na tatam­pukan nina Beauty Gonzales, Polo Ravales, at iba pa.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …