Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, ipapareha sa iniidolong aktor na si Carlo

AFTER Alden Richards, si Maine Mendoza naman ang tatalon sa bakuran ng ABS-CBN.

Ito’y dahil gagawa na rin siya ng pelikula sa Black Sheep, film subsidiary ng ABS-CBN Films, ang mother company ng Star Cinema.

At pagkatapos ipareha si Alden Richards kay Kathryn Bernardo, si Maine naman ay ipapareha may Carlo Aquino sa isang romcom movie na ang titulo ay Isa Pa With Feelings na ididirehe ni Prime Cruz.

Kung ating matatandaan, si Prime ang nagdirehe ng Sleepless (2015), Ang Manananggal sa Unit 23B (2016), Can We Still Be Friends? (2017), at The Debutantes(2017).

Ayon kay Prime, ang pelikula ay ukol sa dalawang sawi na magkakatagpo.

Samantala, nabasa namin sa isang artikulo sa pep.ph na fan pala ni Carlo si Maine. Katunayan, dumalo pa pala si Maine ng premiere night ng Meet Me In St. Gallen na pinagbibidahan nina Carlo at Bela Padilla.

Sa premiere night ay nagpa-selfie pa si Maine kay Carlo na buong ningning na ipinost sa Twitter na may caption na, “Pwede mag fangirl?”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …