Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janah Zaplan, nag-enjoy sa Ogie Diaz acting workshop

MASAYA ang tinaguriang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan sa pagsabak niya sa Ogie Diaz acting work­shop. Si Janah ay bahagi ng 19 participants ng Batch 101 ng nasabing workshop ni katotong Ogie.

Pahayag ng talented na si Janah, “To be honest, I didn’t expect it to be so much fun. I learned a lot from our coach, kay sir Mel Martinez po. Bitin nga po ‘yung two days na ‘yun, e.”

May iba-ibang level, iyan hindi ba? Tugon niya, “Opo may advance din, inimbitahan na nga rin po ako sa advance pero hindi naman po ako puwede kasi nasabay sa recital po sa Star Magic.”

Sobra ang saya ni Janah sa papuring ibinigay sa kanya nina Ogie at Mel. “Hindi ko rin po akalain na sasabihin nila ‘yun sa akin. Si sir Ogie po, magaling daw po ako umarte. Tapos si sir Mel, first time niya pong nakita ‘yung timing na pang-advance na raw po. So, tinanong niya po kung first time ko lang talaga. ‘Tsaka ilang beses ko rin po kasi siya nadala sa eksena, kaya ayun po, kumbaga galing daw talaga sa puso ang ginawa ko. So, tuwang-tuwa po talaga ako.”

Ayon kay Janah, sobrang enjoy siya sa mga ginagawa niya ngayon at sa nangyayari sa kanyang showbiz career.

Incidentally, mapapakinggan na ngayon ang third digital single ni Janah titled More Than That. Ito ay komposisyon ni Paulo Zarate at available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.com, tulad din ng dalawa niyang naunang singles na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …