Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikulang Feelennial nina Ai Ai at Bayani, patok sa moviegoers!

PUNONG-PUNO ng mga celebrity, VIP, at fans ang premiere night ng pelikulang Feelennial (Feeling Millenials) last Monday sa Cinema 4 ng Megamall at napuno rin ng maya’t mayang tawanan ang sinehan sa mga pakuwela ng mga bida ritong sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Super-aliw ang pelikula at positibo ang feedback ng mga nanood ng premiere night, lalo sa mga kasamahan sa panulat. Grabe kasi ang chemistry dito nina Ai Ai at Bayani. Sabi nga ng mga katoto sa entertainment media, ngayon lang sila ulit nakapanood ng pelikula na mula umpisa hanggang ending ay tumatawa sila nang todo. Havey talaga ang tandem nina Bayani at Ai Ai!

Tama ang sabi sa amin ni Bayani, bukod sa riot sa katata­wanan ang kanilang pelikula at pampa-good vibes talaga ang pelikulang Feelennial, ay kapu­pulutan pa ng aral dahil pampa­milya ang tema nito.

Anyway, impressive ang mga shots ng pelikula na gumamit ng drone, pati magagan­dang bahay, kotse, at location ay makikita sa movie dahil mga bigtime at mayaman sina Ai Ai at Bayani sa pelikulang ito.

Sa kabuuan, bukod sa galing nina Ai Ai at Bayani, dapat bigyan ng credit ang director nitong si Rechie del Carmen dahil nabuo niya nang maayos ang isang comedy movie na may kawawaan.

Showing na ngayong June 19, Wednesday ang pelikula at wish namin na sana ay sumugod sa mga sinehan ang maraming tao dahil hindi masasayang ang kanilang pera at panahon sa panonood nito. At para naman makabawi ang ating local movie industry.

Ang pelikula ay mula sa Cignal Entertainment at DSL Productions ni Pops Fernandez. Kaya si Pops ay may special participation dito. At bukod kay Pops, ang ex-husband niyang si Martin Nievera, pati na ang Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros ay may cameo roles sa movie.

Kasama rin nila sa cast sina Nar Cabico (Dua), Ina Feleo (Tahoma), Nicole Donesa (Cambria), Jelai Andres (Aerial), Nicole Donesa (Cambria), Sofia delas Alas (Sophia), Skelly Skelly (Dope), Micah Muñoz (Shanty), Arvic Tan (Nico), at Raffy Roque  (Efril).

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …