Saturday , November 23 2024

Taklesa ba si energy secretary Al Cusi?

ISA sa mga inirerespeto nating miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ilang taon na rin naman nating kilala si Secretary Cusi. Hindi man kami madalas magkita pero kapag nagkakasalubong kami sa isang lugar ay tiyak na hindi puwedeng hindi kami makapaghunatahan.

Kilala rin natin siya kung paano magtrabaho. Hindi puwede sa kanya ‘yung resultang puwede na.

Kaya naman nagtaka tayo kung bakit biglang naging ‘taklesa’ si Sec. Cusi on national TV at napakagaan na sinabing ‘daplis’ lang ang tumama sa  F/B Gemvir, ang fishing vessel ng mga Filipino na sinabing binangga ng Chinese vessel na Yuemaobinyu 42212 sa Recto Bank nitong nakaraang 9 Hunyo.

Hindi biro ang naganap na pagkawasak ng fishing vessel ng mga mangingisdang Pinoy at ang paglutang nila sa dagat nang kung ilang araw.

By the way, chairperson pala ng Mimaropa’s Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) si Sec. Cusi  kaya siya ang naitalaga sa kasong ito para kausapin ang mga biktima.

Sana, hindi na nagsalita si Sec. Cusi nang ganoon at dapat niyang inisip na mahirap malagay sa sitwasyon na buhay ang naka­taya.

Maging sensitive sana siya sa pagpapahayag lalo’t mismong si Pangulong Digong ay nagsasabi na hindi niya ‘itataya ang buhay ng mas maraming Filipino para sakyan ang mga pang-uurot sa nasabing sitwasyon.

Kahit nga nagbigay pa ng assurance ang US Embassy na aayuda sila kung kakasa raw ang Filipinas laban sa China.

Mabuti na lang at hindi palundagin ang Pangulo gaya ng gustong mangyari ng iba riyan.

Ang punto natin, kung itinalaga si Sec. Cusi para imbestigahan ang insidente, hindi siya dapat nagpapahayag ng mga salitang lalong magpapainit sa damdamin ng mga mamamayan lalo na sa pamilya ng mga biktma.

Naniniwala naman tayo na mukhang nadulas lang naman si Sec. Cusi. Pero sana next time… be careful na.

Unsolicited advice lang po, Sec. Cusi, ingat-ingat lang po kapag kaharap ninyo ang mga TV camera, kasi parang nae-excite kayo… hehehe.

Uulitin ko lang po, careful, careful, Sec. Cusi.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *