MAS masaya at mas malaya ang pakiramdam ng Filipino YouTube Star at Taipei tourism ambassador na si Mikey Bustos sa paglantad sa kanyang tunay na kasarian bilang isang gay. Kasabay nito ay ang pag-amin din niya sa kanyang almost seven-year relationship sa boyfriend na si RJ Garcia.
“I discovered that it’s an amazing freedom to be authentic. What made me decide to come out? Two things, one it just got to the point that it’s affecting my relationship with my partner both business-wise and personal wise. So, we got together and decided na, ‘You know what, let’s do this! It’s the time now!’ I think that’s our missing piece to iron most of our problems and it really did. I can’t really say all the details because that’s personal between RJ and I. But all our problems now are completely gone. So, we’re happier and we never felt freedom like what we’re having now,” sabi ni Mikey.
Nakausap namin si Mikey sa media launch ng muling pagpili sa kanya ng Taipei City’s Department of Information and Tourism para muling maging tourism ambassador at i-promote ang Taipei sa mga Filipino para puntahan at magbakasyon. Ginanap ang event kaugnay ng bagong programang #UndiscoveredTaipei sa Makati Diamond Residences noong June 14. Siyempre kasama ni Mikey si RJ sa event.
Dahil nag-out na nga si Mikey, natanong namin siya pati na rin si RJ kung sino ang kanilang ang favorite LGBTQ celebrity?
“Of course, the one and only Vice Ganda. I think he’s the most famous gay celebrity, right? I would say. He’s intelligent and very talented,” ani Mikey.
Dagdag ni RJ, “He’s very controversial but you know he’s well-loved. A lot of people love ‘her.’”
Given the chance, gustong imbitahan ni Mikey si Vice Ganda para pumunta sa Taipei at ma-experience ang kagandahan ng tourist destinations nito pati na rin ma-try ang masasarap na pagkain.
Nag-enjoy kasama ang BF sa Taipei
HAPPY si Mikey Bustos na muli siyang kinuha para maging Taipei tourism ambassador. Talagang nag-e-enjoy siya sa pagpo-promote ng Taipei sa mga Filipino upang piliing next tourist destination sa Asia.
“This is my second year as ambassador of Taipei. I’m truly honored and grateful for this and to be able to visit Taipei. I love Taipei. And of course, I’m grateful for the blessing,” sabi ni Mikey.
Apat na beses na siyang nakapunta sa Taipei. “The first time was for vacation. And then last December I was invited for their Filipino Day to perform, so I went there. And then the two times that I filmed for the promo video.”
Ano ang mga lugar na nagustuhan niya sa Taipei? “Wow, so many. Beitou is the area where they have the hot springs. It is really great. I also vlogged the experience. The hot springs are great, it’s really great for the skin and that was kind of new for me.”
Nagustuhan din niya ang mga pagkain sa Taipei. “And the food is excellent in Taipei, masarap. My favorite? Anything with beef, and then should always try stinky tofu. Breakfast is good, drief beef noodles is good, and siyempre Taiwanese palate is very compatible with Filipino palate.”
Kasama nga sa rekomendado ni Mikey sa authentic at classic dishes ng Taipei ay ang omelette and fresh milk tea combo ng Zhenfang, beef dried noodles ng Mantanghung, mango shortcake ng Kuo Yuan He, honey citron aiyu jelly ng Jin Jin Dessert, pearl milk tea and honey green tea ng Cha For Tea.
Masarap ding mamasyal sa Taipei sakay ng double-decker sightseeing bus at sa handog na kakaibang experience set ng online travel experience provider na Klook.
Sa apat na beses na pagpunta ni Mikey sa Taipei, nakasama niya rin ang boyfriend niyang si RJ kaya mas na-enjoy niya. “Taipei is a great place with or without somebody. But of course, it’s extra special when you’re with the person you love. There are excellent places for couples in Taipei, as well, and even for the whole family.”
Kahit nga si RJ ay na-enjoy ang Taipei. “Yes, nag-enjoy kami ni Mikey. I love mostly the food, like Mikey anything beef. We both love the beef noodles.”
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga