Monday , November 25 2024
Rodrigo Duterte Alan Peter Cayetano

Bakit si Cayetano ang dapat maging Speaker?

MAY nanalo na!

‘Yan ang ipinapalagay kung hindi magkakamali sa pagpili ng Speaker ang kamara.

Sabi nga hindi malulugi ang bansa kung si Alan Cayetano ang magiging Speaker of the House. Kung karanasan, galing, talino at iba pang kalipikasyon ang pag-uusapan, ‘ika nga, may nanalo na.

Pinatunayan nang paulit-ulit ni Cayetano na kaya niyang gawin ang dapat gawin tulad ng pagkapanalo ni PRRD sa Taguig noong 2016 at ang pamamayagpag ng mga kanidatong senador ng Hugpong sa top 12 sa kanilang lungsod nito lamang Mayo.

Tinindigan din niya at ipinagtanggol sa Filipinas at sa buong mundo si PRRD sa giyera nito kontra droga, isyu ng human rights at iba pang usapin kaya pati siya kinasuhan kasama si PRRD ni Atty. Jude Sabio sa International Courts.

Buong tapang din niyang nilabanan ang mga makapangyarihan sa pag-iimbestiga ng senado at pagbubunyag sa mga katiwalian maging noong siya ay kongresista. Isinulong niya ang good governance at anti-corruption sa kanyang paninilbihan.

Naging konsehal, vice mayor at 3-termer congressman kaya gets na gets ni Cayetano ang takbo ng lokal na politika. Dalawang beses din siyang naging senador kaya naiintindihan niya ang kalakaran ng national politics kaya, kaya niyang itulay ang kamara at senado sa isa’t isa.

Naging miyembro din si Cayetano ng gabinete kaya kaya niya itawid ang lehislatura sa ehekutibo. Bukod dito, kayang-kaya niyang katawanin ang Kamara at Filipinas sa international arena dahil sa kanyang karanasan bilang Foreign Affairs secretary.

Sa madaling sabi, si Cayetano ay kalipikado, may magandang track record, at kakayahan na pamunuan ang kamara.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *