Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai at Bayani, riot ang tambalan sa pelikulang Feelennial

KAKAIBANG tambalan ang mapapanood kina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani sa pelikulang Feele­nnial (Feeling Millennial), directed by Rechie del Carmen. Si Pops Fernandez ang executive producer dito, kaya mapapanood din siya sa isang special cameo role sa movie na showing na sa June 19.

Ito’y mula sa Cignal Enter­tainment at DSL Productions ni Pops.

Aminado si Pops na fan siya ng come­dy films at ito ang nakapagpapaalis ng kanyang mga stress at pagod kapag galing sa trabaho kaya naman naisip niyang for her first production ay comedy ang gawin.

Sa panig ni Ai Ai, nagpa­pasalamat siya at nagkapareha sila ni Bayani dahil dito nila nalaman na may chemistry pala sila.

Pahayag ni Ai Ai, “Noong napanood ko ang movie, kasi nga nag-dubbing kami ng ibang parts, sabi ko sa sarili ko, ‘Ay mayroon na ulit akong bagong ka-love team.’ Kasi nakita ko ‘iyong parang closeness and puso namin kay Bossing (Vic Sotto), e. Iyon talaga ang ka-love team ko, e. Pero noong napanood ko… kami ni Baya­ni, sabi ko, ‘Ay, may bago na akong ka-love team.’ May kilig factor kapag nanonood ka ng pelikula. So, cute.”

Siniguro naman ni Bayani na riot sa katatawanan ang kanilang movie ni Ai Ai at may karga itong pampakilig. “Sure na sure na riot sa katatawanan itong movie namin ni Ai Ai at may halong kilig din siyempre.”

Sa pelikulang Feelennial, ang Comedy Queen ay gaganap sa role na Madame Bato-Bato na iibig sa rich bachelor na si Chito, na ginagampanan naman ni Bayani.

Kasama rin nila sa cast sina Nar Cabico (Dua), Ina Feleo (Tahoma), Nicole Donesa (Cambria), Jelai Andres (Aerial),  Nicole Donesa (Cambria), Sofia delas Alas (Sophia), Skelly Skelly (Dope), Micah Muñoz (Shanty), Arvic Tan (Nico), at Raffy Roque  (Efril).

Bukod kay Pops, may special participation dito ang ex-husband niyang si Martin Nievera at si Paolo Ballesteros.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …