MASASABING biggest break ni Anton Diva ang first major concert niyang Shine XXII AD: Anton Diva na gaganapin sa June 15, 2019 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Dito ay magpapakitang-gilas ang orihinal at undisputed impersonator ng Asia’s Songbird na si Anton sa kanyang special birthday concert. Special guests niya rito sina Regine Velasquez at Vice Ganda, kasama sina Michael Pangilinan, Raging Divas, Ms. Q and A 2019 Mitch Montecarlo Suansane at Jewel Jhonson, samantala ang Pepper Divas at Rapture Girls ang magiging front acts.
Ito ay mula sa produksiyon ng TOES o Teri Onor Entertainment Services at sa direksiyon ni Peter Flores Serrano.
Ito ang first production ni Teri at sinabi niya kung bakit ipinagprodyus niya ng concert si Anton.
Saad ni Teri, “Kasi noong nag-i-start ako sa The Library, 1996 iyon, estudyante pa lang si Anton noon at madalas na nagpapalibre sa akin iyan ng entrance. Pumapayag ako, basta kakantahin niya lang ‘yung songs ni Regine. Hanggang sa nagkasama na kami sa set.
“Naniniwala ako sa talent niya, it’s about time po para ma-recognize si Anton. Alam naman kasi natin na siya ‘yung kauna-unahang impersonator ni Regine na kaboses talaga. Bago nagsulputan iyong ibang mga host natin na mga bading na nagre-Regine, si Anton talaga ang nauna.”
Nagpapasalamat naman sina Anton at Teri na hindi sila nahirapang kuning special guests dito sina Regine at Vice. In fact, hindi nagpabayad ang dalawa sa concert na ito.
Sambit ni Anton. “I’m really thankful kasi very supportive sila. Noong Valentine concert nina Regine at Vice sa Araneta, tinawag pa nila ako on stage to perform with them in a production number. Akala ng iba guest talaga ako, pero surprise number po talaga iyon. Doon pa lang, na-feel ko na ang suporta nila. Without that, siguro hindi ako magkakalakas ng loob na mag-solo concert like this.”
Sa presscon nito na ginanap sa bagong Salu Restaurant na pag-aari ni Ms. Harlene Bautista and associate, natanong si Anton kung talagang hilig niyang sumabak sa showbiz?
“Hindi naman, noong college kasi ang course ko was ECE (Electronics and Communication Engineering) sa La Salle Taft. Ang pagkanta noong time was parang hobby lang, pangtanggal ng stress sa school work, sa studies. If ever I’ll be working sa broadcasting, behind the camera,” saad niya.
Hindi rin daw niya na-imagine na magiging ganito ang kanyang career. “Wala, kasi unang-una wala namang celebrity sa family namin. I was just a fan that time ni Ms. Regine (Velasquez). Never in my mind na eventually I would be singing and ‘yun pa ang naging bread and butter ko. Never ko naisip or na-imagine,” aniya.
Sino ang biggest influence sa kanyang early career? “Biggest influence in my early years is walang iba kundi si Ms. Regine. Natanggap ako sa trabaho kasi kaboses ko raw si Ms. Regine Velasquez. ‘Yun ang naging dahilan kung bakit ako napasok sa sing along bars which at that time I consider na showbiz na rin.”
Ano ang gusto niyang ma-achieve sa kanyang concert?
“Gusto kong ma-achieve sa concert na ito ay ‘yung madagdagan yung mga tao na naniniwala sa kakayahan ko. At masulit ko ‘yung pera na gagastusin nila sa pagbili ng ticket. They get what they want, ‘yung makapagbigay kami ng production numbers, ng concert na pag-uwi nila maaalala nilang ang ganda ng concert. Iyong tipong sasabihin nila na, ‘Buti na lang nanood kami.’”
Ano sa palagay niya ang biggest challenge sa kanya sa concert niyang Shine XXII AD: Anton Diva? “Ang biggest challenge para sa akin sa concert ay ‘yung makakanta ako nang magandang-maganda, ‘yung magustuhan nila ‘yung pagkanta ko ng songs na inihanda namin for them. Makanta ko lang nang maayos, magawa ko ‘yung birit na gusto ko, ‘yung style na masarap pakinggan at ‘yung stamina na magawa ko ‘yung two-hour show. Sana makagalaw ako dahil may mga dance move na kailangang aralin. The whole performance is a big challenge to me because of my age,” wika ni Anton.
Tickets are now available via Ticketnet online, 911-5555 at various prices.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio