Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Milktea shop sa Glorietta 2 aksidenteng nasunog — BFP

HINDI arson kundi aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi sa Glorietta 2 Ayala Center sa nasabing lungsod.

Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Makati City Bureau Fire Protection na aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi at hindi sinadya.

Sinabi ni F02 Lester Batalla, arson investigator ng BFP, nag-acetylene cutting ang ilang trabahador ngunit pagsindi sa hose ay nagliyab hanggang nag-backfire at bumalik sa tangke na kinaroroonan ng kemikal na nagliyab sa hagdanan kung saan sila nagkukumpuni.

Dagdag ni Batalla, tapos na ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa insidente ng sunog na umabot sa unang alarma.

Aniya, ipina­susumite ng mga kaukulang doku­mento ang may-ari ng Coco Milktea upang mabatid na may pahintulot na magtatayo sila ng nasabing esta­blisimiyento.

“Kailangan po namin makita ‘yung mga dokumento para mabatid namin na legal ang kanilang pagpapatayo o business nila,” anang arson investigator.

Nagkaroon ng minor injury si Raymund Tacderan, 37, ng Purok 5, Bugtong St., Lipa City matapos madapa nang magtakbuhan ang mga tao.

Halos nag-panic ang lib0-libong tao sa loob ng Glorietta 2 nang maganap ang sunog sa ground floor nito nang lamunin ng apoy ang nasabing establisimiyento.

Dakong 6:20 pm nang sumiklab ang apoy sa Barangay Lorenzo ng lungsod.

Naapula ang sunog dakong 6:30 pm at wala naman naiulat na nasawi.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …