Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie, ‘di pa handang makatrabaho muli si JM

TINANGGIHAN pala ni Barbie Imperial ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni JM De Guzman kasama si Ara Mina at ipo-prodyus ni Patrick Menesis.

Ang dahilan, hindi pa handa ang isa sa bida ng Finding You mula sa Regal Entertainment Inc.,kasama sina Jane Oineza at Jerome Ponce,  na makatrabaho si JM.

“Sinabi ko rin po na ‘feeling ko, maiistorbo lang namin ‘yung mga makakatrabaho namin kung hindi pa kami okay sa isa’t isa.’ So, ako po, parang mas pipiliin ko na lang na, ‘wait lang muna, huwag nating madaliin.’

“Kasi usually po, ‘pag sinabing, ‘hindi, work lang naman, tara na, okay lang ‘yan, work na.’ So, ako, ayoko nang makadamay ng ibang tao and gusto ko na pareho kaming healed na bago kami mag-work ulit,” giit ni Barbie.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Barbie at JM nang mag-guest ang aktor saTonight with Boy Abunda na sinabi nitong nag-date lang sila for less than a month. Pagkatapos noo’y nag-tweet ang young actress na, ”once a liar, always a liar” at inamin niya sa guesting niya rin saTWBA na ang aktor ang tinutukoy niya sa tweet.

Sinabi pa ni Barbie na kapag tinatanong siya ukol kay JM, hindi niya sinasagot.

“Ang ano ko lang, hindi ko na nga ino-open-up, eh, kahit kanino. So, sana, hindi na rin siya nagsalita sa ‘TWBA.’ Napa-tweet tuloy ako, the day after.”

Nilinaw naman ni Barbie na hindi niya naisip na pinaasa siya ni JM dahil hindi naman naging sila.

Sinabi pa ni Barbie sa TWBA na more than one month silang nag-date ni JM kaya nasaktan siya sa kung bakit kailangang magsinungaling ng aktor.

“Natapos siya ng okay, so alam mo ‘yun, sana huwag nang magsalita. Para okay na tayo. So, ang nakasakit lang sa akin, parang why do you have to lie about us. May pinagsamahan naman tayo,”sambit pa ng aktres.

“Doon lang ako na-trigger, na parang ‘yung ba’t ka naman magsisinungaling? Minahal mo naman ako. And ako, hindi ako magsisinungaling about him. Alam ko, minahal ko siya.”

Sa kabilang banda, first movie ni Barbie ang Finding You na marami siyang dialogue. Sa mga past movies niya kasi’y dinadaanan lang siya ng camera at wala siyang linya.

Showing na ang Finding You sa May 29 na idinirehe ni Easy Ferrer.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …