Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT certified icon of beauty, kaya patok na endorser ng BeauteDerm

ANG veteran actress na si Ms. Lorna Tolentino ang latest addition sa lumalagong listahan ng brand ambassadors ng Beuterderm Corporation. Swak ang pagpasok ni LT sa Beuterderm family, kasabay kasi nito ang paghahanda sa nalalapit na 10th anniversary ng naturang kompanya.

Isang certified icon of beauty, itinuturing si Lorna bilang pamanta­yan ng gold standard of beauty and elegance. Siya rin ang pictorial queen ng 80s, 90s, at 2000s at na­ging industry leader siya sa larangan ng beauty and fashion dala ng mga chic at stylish looks na kan­yang pinasikat sa loob nang tatlong dekada.

Itinatag noong 2009 ng President at CEO nitong si Rhea Ani­coche-Tan, kina­ka­tawan ng Beaute­derm ang prinsipyo ni Rhea na nagsisimula ang kagan­dahan sa was­tong pag-aalaga sa ating sarili at sa ganoon tayo’y mas magiging malusog at magpapa­malas ng kagandahan hindi lamang sa panla­bas ngunit sa panloob din.

Ipinahayag ng premyadong aktres ang kagalakan sa pagiging bahagi ng Beautederm family. “Honored ako at sobrang saya ngayong bahagi na ako ng pamilya ng Beautederm. Ilang taon na rin akong loyal user ng Beautederm at formality na lang ito, matagal na akong may tiwala sa bonggang produktong ito.”

“Isa si Ate LT sa pinakamatalik kong kaibigan at nakatataba ng puso na salubungin siya sa aming pamilya,” saad ng Beaute­derm lady boss na si Ms. Rhea. “Napaka­buting tao niya at walang kupas ang kanyang ganda. Maraming tao — at isa na ako sa kanla, ang tagahangga ng kanyang body of work bilang isang aktres at marami rin ka­ming humahanga sa kan­yang legendary beauty. Major asset si Ate LT sa Beautederm Cor­pora­tion at lubos ang aming kaliga­yahan na kasama na na­min siya,” sambit ni Ms. Rhea.

Bilang isa sa mga pangunahing lider ng beauty at wellness industry, prayoridad ng Beautederm ang kaligta­san at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinakamabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta.

Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ang Beautederm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautederm Home na kinabibilangan ng mga soy candles at room sprays, at ang perfume collection ng Beautederm na tulad ng Origin Senses Perfumes For Men at marami pang iba, na lahat ay top-selling na pro­dukto sa merkado ngayon.

Sa kasalukuyan, mayroong higit na 60 physical stores ang Beautederm sa buong bansa at isa sa Lucky Plaza, Singapore. Mayroon din itong higit na isang daang resellers sa bansa at sa ibayong dagat, plus, mayroong halos 40 brand ambas­sadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, singers, beauty queens, mga politiko, mga komedyante, at social media influen­cers.

Para sa mga kapana­panabik na balita at updates sa Beautederm at kay Lorna Tolentino, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautederm sa Facebook.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …