Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, inilabas na ang self-titled debut album!

Naging makulay at masa­ya ang dalawang mahalagang event para sa talented na recording artist na si Rayantha Leigh na ginanap last May 10. Una ay upang ipagdiwang ang 15th birthday ni Rayantha, at ang ikalawa ay para sa launching ng kanyang self-titled album mula Ivory Music & Video.

Bigay na bigay siya sa pagpe-perform sa espesyal na gabing iyon habang kinakan­ta ang kanyang latest single na Laging Ikaw na isinulat ni Kedy Sanchez.

Kasama rin sa performance sina Kikay Mikay habang kinakanta at isinasayaw ang Kill This Love na pinasikat ng K-Pop girl group na BlackPink.

Laging Ikaw ang carrier single ng album niya at kasama rin dito ang Nahu­hulogPangakoPag-Ibig Ba?Wag Ka Nang IiyakI Will Be There, at Tuksuhan. Available na ngayon ito sa mga music stores nationwide. Available na rin sa mga digital stores katulad ng iTunes, Spotify, Deezer, and Amazon.

Since 2017 ay marami nang nakuhang awards si Raynatha, dito sa ating bansa hanggang sa abroad tulad ng Young International Artist award sa World Class Excellence Japan Award (2017), Outstanding Asia Teen Performer award sa World Class Young Achiever (Fukuoka, 2018), at New Female Recording Artist of the Year 2018 sa PMPC Star Awards.

Bukod sa pagiging singer/aktres, product endorser at model din si Rayantha ng Erase Beauty Products, YSA Skin and Body Expert, H&M Makeover Salon, Switch Limited clothes, at Halimuyak Perfumes.

Focus muna ngayon si Rayantha sa singing career niya at as a host sa Bee Happy Go Lucky, isang youth-oriented show sa Channel 13 tuwing Sabado, 4:30 pm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …