Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, wish mabuo ang pamilya Binay

PINATUNAYAN ni Kris Aquino ang pagiging mabuting kaibigan kay Anne Binay nang personal na magpunta at magkaroon ng special appearance sa campaign sortie ng sinusuportahang kumakandidatong kapatid nitong sina Jun Jun at Nancy Binay sa Barangay Rizal, Makati noong May 6 ng gabi.

Tumatakbo sa pagka-mayor ulit ng Makati si Jun Jun habang re-electionist Senator naman si Nancy.

Sa seven years namin bilang magkaibigan ni Anne, never siyang humiling ng kahit ano sa akin. Kaya ngayong may request siya ay hindi pwedeng hindi ko pagbigyan. Ito na ang birthday gift ko kay Anne pati kay SenNancy. Kung sino ang sinusuportahan ni Anne roon ako sa tabi niya,” sabi ni Kris.

Nagdala pa ng birthday cake si Kris para kina Anne at Sen. Nancy, at isinama pa ang anak na si Bimby at ang singer na si Erik Santos na naghandog ng awitin.

Nasa campaign sortie rin ang ilaw ng tahanan ng mga Binay na si Dr. Elenita. Nandoon din ang tumatakbong vice mayor ni Jun Jun na si Monsour del Rosario, congressman candidate King Yabut, at mga tumatakbong councilors.

Ayon pa kay Kris, “Ang nakikita ko po sa kanila ngayon is nagmamahalan silang magkakapatid and nakita natin na kasama nila ang nanay nila. Sa akin lang po bilang nanay din, ‘pag ang nanay… sa amin po ganoon din ang pagpapalaki… nasa nanay ang huling desisyon talaga. Noong nakita ko po na nakaupo rito si Dra., alam na natin, ‘di ba? May everybody be guided well by the Holy Spirit sa kung anuman ang mangyari.”

Aware si Kris sa labanan sa politika sa pamilya Binay lalo na sa magkapatid na sina Jun Jun at Abby na parehong Tumatakbo sa pagka-mayor. Kaya may hiling si Kris para sa pamilya Binay tulad ng hiling ni Sen. Nancy. “Kasi I watched Nancy’s interview and pati ako naluha noong sinabi niya na ang pamilya pagkatapos ng politika, pamilya pa rin. So sana iyon po ang mangyari para sa kanila.”

Biniro pa ni Kris si Anne. “Anne, sa 2022 para wala na lang gulo, ikaw na ang tumakbo.”

ni GLEN P. SIBONGA

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …