Saturday , November 23 2024

iKabataan Ambásadór sa Wika (iKAW)

ANG iKabataan Ambásadór sa Wika (iKAW) ay isang pambansang kompetisyon ng KWF na naglalayong katuwangin at mobilisahin ang kabataang Filipino tungo sa aktibong pangangalaga at pagtataguyod ng mga katutubong wika ng Filipinas.

Ang kompetisyon ay magiging tagisan ng talinong pangwika at pangkultura at ng mga platapormang pangwika na nais ipatupad ng Ambásadór.

Ang magwawaging Ambásadór sa Wika ay magkakaroon ng isang taóng kontrata sa KWF ukol sa mga tungkuling pangwika na dapat tupdin ng isang Ambásadór.

Tuntunin sa Paglahok

  • Ang iKabataan Ambásadór sa Wika (iKAW) ay bukás sa lahat ng kabataang edad 18-25, maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak hanggang ikatlong digri.
  • Ang kalahok ay dapat na may sumusunod na katangian: (a) ispiker ng isang katutubong wika ng Filipinas; (b) mahusay sa wikang Filipino; (c) may mataas na moralidad at karakter; at (d) hindi nagkaroon ng anumang kaso o rekord ng paglabag sa batas.
  • Para sa paglahok, kinakailangang isumite ang sumusunod:

Curriculum vitae ng kalahok na may retratong 2×2

Sinagutang KWF iKAW Form sa Paglahok

Limang pahinang sanaysay sa Filipino na inilalarawan ang katutubong wikang kinakatawan ng kalahok, ang mga suliraning kinakaharap ng katutubong wikang ito, at ang proyektong pangwikang ipatutupad ng kalahok sa loob ng isang taon para tugunan ang natukoy na suliraning pangwika

Limang minutong video na nagpapaliwanag sa programang pangwika ng kalahok na idedeliver sa katutubong wika ng kalahok na may kasamang subtitle ng salin nito sa Filipino at/o isang word file ng salin sa Filipino. Ang video ay kinakailangang nakalagay sa isang USB.

Notaryadong katibayan ng pagiging ispiker ng katutubong wika na pinatunayan ng alinman sa sumusunod: puno ng paaralan/unibersidad ng kalahok, puno ng ahensiyang pinagtatrabahuhan, alkalde ng bayan o lungsod ng kalahok, o elder ng katutubong komunidad

Notaryadong katibayan ng walang pending na kaso (certificate of no pending case) mula sa paaralan, bayan/lungsod, o trabaho; o NBI klirans na may anim na buwang validiti

Rekomendasyon mula sa puno ng paaralan/unibersidad, alkalde ng bayan o lungsod, direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), o elder ng katutubong komunidad ng kalahok

Ang mga dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa iKabataan Ambásadór sa Wika  (iKAW)
c/o Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
2P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Maynila 1005

Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 3 Mayo 2019, 5nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lamang ng KWF ang mga lahok na nai-mail bago o sa nabanggit na petsa.

Pipiliin ng KWF ang Top 5 na kalahok na tutuloy sa ikalawang antas ng kompetisyon na gaganapin sa Pammadayaw: Araw ng Parangal sa Agosto 2020.

Ang tatanghaling Top 5 finalists ay makatatanggap ng halagang sampung libong piso (P10,000).

Ang tatanghaling Ambasador sa Wika ay makatatanggap ng halagang dalawampung libong piso (P20,000), pondong sandaang libong piso (PHP100,000) para sa mga proyekto ng kaniyang wika, at isang taóng kontrata bilang Ambásadór sa Wika ng KWF.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *