OVERWHELM si Timi Aquino na mismong si Kris Aquino pa ang nag-ayos ng isinagawang presscon noong Lunes ng hapon. Nagpaalam pa nga si Kris sa ineendosong Chowking para makadalo siya na sa Max’s Restaurant ginanap ang presscon.
Ani Timi, “Ako po I’m so overwhelm na si Ate Kris has gone of her way to arrange everything here. I know you’re here because of her invitations. Very big thanks po for you to accept her invitation. And big thanks din po kay Ate Kris na para sa akin lang as marketing profession na ‘yung pangalan niya ‘yun talaga ang puhunan niya, at mayroon talagang restrains ang mga kontrata niya and yet she is here giving all her support for Bam’s campaign.”
Giit pa ni Timi, “Ako sobrang overwhelm na nakapag-organize po siya ng isang press conference for me and for Bam.”
Natanong naman si Kris kung may plano ba itong pasukin ang politika. Anang ina nina Bimby at Josh, ”I’ve been open naman with the fact na I’m not healthy. Sa June pa malalaman kung nag-work lahat (gamutang ginagawa).
“Parang sinabi ko nga eh, na parang sinasabi na pine-fake (sakit) ko ang lahat ng ito. And how can you serve the people properly if you are not sure of your health? Parang ano ‘yan eh bumili ka ng TV, eh may warranty ‘yan, eh hindi ko maa-assure na ang warranty eh good for one year. Kailangan siguraduhin ko muna na maganda ang maibibigay sa inyong kalusugan bago ko sabihin na kaya ko pala.
“And the other thing is magastos pa ako eh. Kung kaya ko nang maging hindi magastos siguro pwede na.
“Kasi nakakahiya eh, hindi pa tayo mayamang bansa, so, habang hindi pa, kahit sabihin kong pinaghirapan ko ito, naipundar ko ito, ito ‘yung kinita ko, assets ko, naipon ko.
“Pero kung public servant ka na, kailangan mamuhay ka ng pantay sa lipunan. And as of now sagot ko pa gastusin nina Kuya Josh and Bim. And siguro magiging effective public servant ka kung may partner ka. But if you’re a mom and you’re alone, there are so many activities that you missed, kawawa mga bata.”
Ukol naman sa kung payag siyang labanan si Sarah Duterte sa pagka-presidente, sakaling tumakbo ito. Sagot ni Kris, ”One, what I have now is not curable, I accepted that. If you search it, auto-immune disease has no cure.
“Second, ayoko pong utakan niya ako. Sorry, I’m being honest kasi I don’t see myself in a position going against her because I found the narrative so wrong. Kasi maling-mali na kami ang pinag-aaway eh, kasi walang ugat.
“Kung tinanong n’yo ako kung Marcos ang tatakbo, bahala na si Batman. Yes, isusugal ang lahat kung iyon ang kalaban.
“Pero kung Duterte ang tatakbo ibibigay ko na ho sa kanila iyon kasi wala kaming malalim na ugat, sugat. Or hindi namin sila kaaway.
“Honestly ha, ang feeling ko gusto lang talaga kaming pag-awayin. Para nakakalimutan mo kung sino talaga ang matagal na ang away.
“Pero in all fairness, si Rochelle nahihimatay kasi ako kayang-kaya ko nang nagpagpag kami sa Shang BGC, nakita ko roon si Gov. Imee (Marcos), this is before the official campaign started. I was able to say hello to her and I said, ‘Hi Gov, goodluck.’
“Kasi para sa akin ‘yun ang itinuro ng dad ko eh na whenever you see anybody whether its a political opponent or not, be the first to say hello. Ipinakita mo na wala kang aatrasan, klaruhin ko ‘yon, na it boggles the mind na ginagawan kami ng issue with the Duterte kasi wala talagang dahilan eh, hindi naman siya ever sa six years na naging president si Noy wala silang naging issue. And so far, wala naman siyang ginawang grabe sa brother ko, so far,” mahabang paliwanag pa ni Kris.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio