TULOY ang kaso…
‘Yan ay dahil ibinasura ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon ni Malabon Rep. Ricky Sandoval na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Ombudsman na kasuhan ang congressman ng graft at malversation of public funds.
Ayon sa pinakamataas na hukuman sa bansa, matibay ang ebidensiya ng Ombudsman upang sampahan ng kaso si Sandoval nang iendoso ang Dr. Rodolfo A. Ignacio Sr., Foundation, Inc., para magpatupad ng mga proyektong pangkabuhayan.
Pinagtibay din ng Korte Suprema ang findings ng Ombudsman nang sabihin nitong bigo ang foundation na inendoso ni Sandoval na ipatupad at iulat ang tamang pagkakagastos sa pondo ng mamamayang Filipino.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na nasangkot si Sandoval sa mga alegasyon ng korupsiyon dahil kinasuhan na rin siya sa Sandiganbayan dahil sa umano’y maanomalya niyang pakikisawsaw sa bilyon-bilyong pisong pondo mula sa Malampaya.
Bukod dito, sangkot din siya sa maanomalyang pork barrel scam ni Napoles at fertilizer fund scam kasama ang kanyang asawang si Malabon Vice Mayor Jeannie Sandoval.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap