Friday , July 25 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Korte Suprema, sinupalpal si Ricky Sandoval

TULOY ang kaso…

‘Yan ay dahil ibinasura ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon ni Malabon Rep. Ricky Sandoval na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Ombudsman na kasuhan ang congressman ng graft at malversation of public funds.

Ayon sa pinakamataas na hukuman sa bansa, matibay ang ebidensiya ng Ombudsman upang sampahan ng kaso si Sandoval nang iendoso ang Dr. Rodolfo A. Ignacio Sr., Foundation, Inc., para magpatupad ng mga proyektong pangkabuhayan.

Pinagtibay din ng Korte Suprema ang findings ng Ombudsman nang sabihin nitong bigo ang foundation na inendoso ni Sandoval na ipatupad at iulat ang tamang pagkakagastos sa pondo ng mamamayang Filipino.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nasangkot si Sandoval sa mga alegasyon ng ko­rupsiyon dahil kinasuhan na rin siya sa Sandigan­bayan dahil sa umano’y maanomalya niyang pakikisawsaw sa bilyon-bilyong pisong pondo mula sa Malampaya.

Bukod dito, sangkot din siya sa maanomalyang pork barrel scam ni Napoles at fertilizer fund scam kasama ang kanyang asawang si Malabon Vice Mayor Jeannie Sandoval.

 

WAKAS NA NGA BA
NG POLITICAL CAREER
NI ER EJERCITO?

SINENTENSIYAHAN na ng anim hanggang walong taong pagkakakulong ang aktor na pumasok sa politika na si dating Laguna governor ER Ejercito matapos mapatunayang “guilty” sa illegal insurance deal na kanyang inaprobahan nang siya ay mayor pa ng Pagsanjan noong 2008.

Si Ejercito ay hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division sa kasong paglabag sa Section 3(e) Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may kasamang parusang perpetual disqualification sa public office.

Pero hindi nag-iisa si ER a.k.a. George Estregan Jr., kasama sa nasentensiyahan sina dating councilors Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti at Gener Dimaranan, gayondin ang private respondent na si Marilyn Bruel.

Ang kaso ay nag-ugat sa isang insurance deal na pinasok ng Pagsanjan municipal government sa First Rapids Care Ventures (FRCV).

Ang nasabing deal ay  “accident protection and financial assistance” para sa mga turista at kalipikadong bangkero na nagyayaot sa ruta ng Pagsanjan Gorge Tourist Zone.

Pero, base sa mga imbestigasyon wala raw public bidding, at ang kontrata ay ipinagkaloob sa FRCV kahit walang lisensiya o sertipikasyon mula sa Insurance Commission para sa insurance business.

Sa totoo lang, nangayri na rin ito dati kay ER, ‘yun naman ay overspending sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) pero nalusutan niya.

Kaya ang tanong, ngayong muli siyang tumatakbong gobernador ng Laguna, malusutan niya kayang  muli ang hatol ng Sandiganbayan?!

Aba, kapag nangyari ‘yan, masasabi nating napakapalad ni ER.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *