Wednesday , December 25 2024

163 Pinoys sa luxury cruise pinuri ng Oslo

INIHAYAG ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) na umani ng  papuri ang 163 Filipino crew members ng Viking Sky Cruise Ship sa ginawa nilang pagtulong sa mga pasahero, makaraang tumagilid sa gitna ng karagatan ng Norway nang tamaan ng malaking alon dahil sa sama ng panahon.

Kasunod ng ginawang pagliligtas sa 436 guests ng cruise ship at 479 pasahero ng nasabing barko, kinompirma ng Embahada ng Pilipinas sa Oslo na walang pribadong pasaherong Filipino ang cruise ship maliban sa 163 Pinoys na kasama sa 458 crew member ng Viking Sky cruise ship.

Sa kabuuang 436 guests at 458 crew mem­bers kabilang ang 163 Pinoy crewmen ang tumu­long sa evacuation ng mga pasaherong sakay ng nasabing barko.

Ayon sa ahensiya, ang 479 pasahero ay nailigtas sa pamamagitan ng helicopter mula sa cruise ship na tumagilid na inaa­lalayan ng tugboat na ma­i­tabi sa baybayin dagat.

Naitala na nasa 20 individual ang nagkaroon ng sugat (injury) sa nang­yaring insidente na nila­patan ng lunas habang ang iba naman dito ay nakalabas na ng medical center sa Norway.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *