Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Presidente ng PWD association kalaboso sa sexual abuse

NAHAHARAP sa ka­song sexual abuse ang pangulo ng isang aso­sasyon ng persons with disability (PWD) nang ireklamo sa Parañaque Police ng apat na binatilyo na pawang Grade 8 at Grade 9 students maka­raang utusan silang bu­mili ng droga at ipina­gamit sa kanila hanggang abusuhin umano sila ng suspek sa Parañaque City, nitong Lunes.

Nakakulong sa Para­ñaque Police detention facility at nahaharap sa kasong sexual abuse ang suspek na si Nelson Bal­mores, 31, pangulo ng PWD Association ng  GK El Dorado Dulo,  Bgy. Don Bosco ng nabanggit na siyudad.

Nasa edad 15, 14, at 18-anyos ang mga bina­tilyong biktima at resi­dente sa nabanggit na barangay.

Sa report na naka­rating sa hepe ng Para­ñaque Police na si S/Supt. Jojo Rosales, naganap ang insidente noong Lunes sa GK El Dorado Dulo, Bgy. Don Bosco ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pahayag sa mga pulis ng mga bikti­ma, inutusan umano silang apat ng suspek na bumili ng droga at ipina­gamit sa kanila.

Pagkatapos ay pinag­laruan umano ng suspek ang kanilang ari at pinag­bantaan na sila ay papa­tayin kapag nagsumbong sa kanilang mga magu­lang. Halos ma-trauma ang mga biktima sa nang­yari  sa kanila kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa kanilang mga magu­lang ang insidente.

Sa follow-up opera­tion ng mga kagawad ng Parañaque Police, naa­resto nila ang suspek na si Balmores.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …