Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Laborer umalingasaw bangkay natagpuan

NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng isang laborer dahil sa masangsang na amoy sa loob ng inuuupahang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Dennis Deocareza, 28, may kinakasama, at nangungupahan sa Phase 4, Block 49 Lot 34, Southville 3 NHA, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 7:00 am, natagpuan ng kanyang kasera na si Marilyn Janaban, 50, ang bangkay ng biktima sa loob ng nirerentahang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon, unang nakapansin ng mabahong amoy ang mga kapitbahay ni Deocariza mula sa kanyang tirahan.

Ipinaalam nila agad kay Janaban upang silipin ang loob ng bahay, dito nakitang naka­handusay sa sahig ang biktima.

Humingi ng tulong si Janaban sa mga kapitbahay upang sirain ang door knob hanggang tumambad ang naaagnas na bangkay ni Deocariza.

Sa isinagawang ocular investigation ng awtoridad, wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima.

Dinala ang labi ng biktima sa Loreto Funeral Services upang isailalim sa awtopsiya.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …