Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire dead

2 patay, 800 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Cainta (Kandila iniwang nakasindi ng adik?)

DALAWA ang kompir­madong patay sa tinata­yang P6-milyong sunog na 800 pamilya ang nawalan ng tahanan at ngayon ay nasa covered court sa Sabuena Com­pound, Cainta, Rizal.

Kinilala ng Cainta Fire Department ang mga biktimang namatay na sina Maria Refol Cabucas, 81 anyos, at Jhon Bell Lorenzo, 26 anyos, kapwa residente sa lugar.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, dakong 5:00 pm kamakalawa nang nangyari ang sunog sa Sabuena Compound., sa kanto ng Ortigas Ave., at Felix Avenue.

Ayon sa ilang kapit­bahay, mula sa nai­wang nakasinding kan­dila ng isa umanong ‘adik’ ang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa ulat, halos hindi na makilala ang bangkay ng dalawa nang marekober ng mga awto­ridad.

Ang 800 pamilya na nawalan ng bahay ay pansamantalang nasa covered court ng Brgy., Sto. Domingo.

Nagsimula na rin umanong ayusin ng mga residente ang kani­lang mga bahay sa tulong ni Cainta Mayor Kit Nieto.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …