Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P6-M tangkang nakawin sa kompanya, Chinese tiklo

INIREKLAMO sa Pasay City Police ang isang Chinese national na nagtangkang nakawin ang P6,000,000 sa pinagtatraba­huang kompanya sa Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Nagwala sa loob ng Station Investigation Detective and Management Branch ng Pasay Police, ang suspek na si Jiang Jun, 24-anyos, computer encoder ng Altech Innova­tion Business, kaya tulong-tulong ang mga imbestigador sa pag-awat sa kanya.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Device and Regulation Act of 2002 sa Pasay Prosecutor’s Office matapos maghain ng reklamo ang kinata­wan ng kompanya na si Kong Shen Han, human resource officer.

Ayon sa ulat ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, nabuko ang pagnanakaw ng suspek sa loob ng Altech Innovation Business na matatag­puan sa Double Dragon, Maca­pagal Avenue sa Pasay City, dakong 5:30 ng hapon.

Walang naga­wa si Jun nang arestohin siya ng guwardiyang si Nemo Aldaba, ng 24/7 Shield Security Agency.

Bago hulihin, gumamit umano ang suspek na si Jun ng WE­CHAT App sa kanyang cell­phone sa tangkang transaksiyon ng P6 milyon sa isang hindi pa kilalang kliyente ng kompanya nang walang pahintulot ng pamu­nuan.

Nabuko ng pamunuan ang umano’y ilegal na aktibidad ng suspek kaya agad siyang ipinahuli sa guwardiya at dinala sa Police Community Precinct (PCP) MOA para sa doku­mentasyon, bandang 9:30 ng gabi.  Ipiniit ang suspek sa deten­tion cell ng Pasay City Police.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …